KUMALAS ako mula sa pagkakayakap kay Kuya. Nakita ko ang mumunting luha sa gilid ng mata niya bago binalingan sina Mama't Papa.
Umurong ako para mabigyan sila ng panahong makapagpaalam sa isa't isa. Nilibot ko ang paningin ko sa buong NAIA. Marami akong foreigner na nakikita.
"Group hug. " masayang sabi ni Mama.
Lumapit ako at nakisama sa yakapan nila. Hindi na ako umiyak ngayon dahil naibuhos ko na ito kagabi. Tanging si Kuya at Mama lang ang naging emosyonal sa mga sandaling ito.
"Mag-iingat ka doon, Callix Zeus. Tawagan mo kami araw-araw. " bilin ni Papa.
"Yes, pa. Bantayan niyo si Allixem para sa'kin. "
Matapos ang mahabang pagpapaalam ay tinahak na ni Kuya ang daan paalis. Tahimik kaming bumalik sa bahay para makapagpahinga sandali bago pumunta sa kanya-kanya naming lakad.
Aalis ngayon si Mama para sa isang charity event. Si Papa ay dun pa rin ang tungo sa Geremander Company.
"Hoy! Bakit nakabusangot ka dyan? Dapat ay magsaya tayo dahil sa wakas malaya ka na. Umalis na si Kuya Callix. " puna ni Roxanne.
Tinanaw ko siya habang inaayos ang buhok ko. Wala si Mitch ngayon dahil busy sa pinapagawang output about sa media arts. Kaming dalawa lang ni Roxanne ngayon at hindi ako natutuwa sa pagpapaalala niya sakin tungkol sa pag alis ni Kuya.
Sinasanay ko na rin ang sarili ko. Mula sa kaming tatlo na lang ng magulang ko ang kumakain ng sabay hanggang sa pagpunta at pag alis ko dito sa school. Gusto kong maging independent. Tama lang siguro na wala muna siya para matuto akong magdesisyon mag isa.
"Nga pala, kamusta ang date niyo ni Homer? Grabe ah! Di pa rin ako maka-move on sa pagpunta ni Kuya Callix sa bahay. Nakakatakot talaga ang isang 'yon! " sambit niya.
"Nakilala ko ang parents niya. They seem nice. I liked her sister, she's kind and pretty. " wala sa sariling sabi ko.
"Oh? Napag-usapan niyo ba yung about sa arranged marriage niya? "
Napatitig ako kay Roxanne. Bukod sa kanya ay si Mitch lang ang nakakaalam sa pinasok ko. Nasabi ko nang dapat ay walang makakaalam ng pagpapanggap namin ni Homer. Pero di ko naman kayang maglihim sa dalawa gayong natutulungan din nila ko sa pag tatago nito kay Kuya. Isa pa, nabibigyan din nila ko ng advice.
"Hindi namin napag-usapan ang tungkol don. Sa amin lang umikot ang usapan ni Homer. Panget naman siguro kung pag-usapan nila iyon nang nakaharap ako sa kanila. They need a privacy about that. " paliwanag ko.
Nagtungo na kami sa klase matapos ang mahabang break. Mabuti na lang at nakapag-focus ako kahit paano. Di man matataas ang marka ko atleast nakakasabay ako sa mga lessons.
Tumunog ang cellphone ko nang mag-uwian na. Bumaling ako sa dalawa na ngayon ay nakatingin pareho sakin. Iwinagayway ko ang phone ko bago lumabas ng room dala ang gamit ko.
Habang naglalakad ay binuksan ko ang mensahe galing kay Homer.
Homer:
Where are you? Let's meet, I have something to tell you.Natigil ako sa paglalakad at napatitig sa mensahe niya. Wag niyang sabihin na lalabas na naman kami kasama ang parents niya?
Ako:
O'rayt. Hintayin kita sa gate.Madrama akong napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay pasan ko ang mundo sa ginagawa ko. Sana lang talaga ay hindi malaman ni Kuya ang kalokohang pinapasok ko ngayon. Wala naman siguro siyang mga mata dito.
Naglakad ako patungong gate at hinintay siyang makarating. May mga nagpaalam saking kaklase at kakilala. Masaya ko naman silang ginantihan ng kaway at paalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/183884019-288-k602031.jpg)
BINABASA MO ANG
Please, Stay (COMPLETED)
Roman d'amourI want you to stay never go away from me... stay forever... "I'll protect you no matter what. " "No, please... not yet. Hold on. "