KABANATA 16

1.2K 38 1
                                    

HABANG tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob ko kay Kairo. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya. Napaka-caring niya at gentleman. Palagi na lang siya nagbibigay ng sweet gestures na may ibig sabihin sakin.

"Hoy! Kung si Medusa ka lang ay matagal nang naging bato itong camerang hawak mo. " binangga pa ako ni Mitch. "Iniisip mo si Michael noh! " tukso niya pa.

Umirap ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Iniisip ko lang kung bakit wala ka pang boyfriend. Magbe-bente ka na. Matanda ka na! " asar ko sa kanya.

Umasim ang mukha niya at inirapan din ako.

"Study first kasi ako, duh! "

"Talaga lang, huh. Baka naman may hinihintay ka lang. "

"Sino namang hihintaying ko, aber? Wala nga akong crush dito sa campus eh! " banas niyang sabi. "Pwede ba, AZ, wag ako ang pagdiskitahan mo ngayong araw. " tinarayan niya ulit ako.

Aba! Nakakailang irap na siya sakin ah!

"Asan pala si Roxanne? Kanina pa wala yung gagang yun ah! " luminga-linga ako para hanapin si Rox sa classroom namin. "Gagawin pa naman natin yung thesis mamaya. "

"As usual, kasama na naman ang boyfie niya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila nagkaka-baby! Ang tagal na kaya nilang gumagawa ng himala. "

"Tumigil ka nga, Mitch! Bata pa sila malamang! Mahirap ang responsibilidad ng magulang noh! Kung gusto mo ikaw na mauna satin. "

"Yak! Ayoko nga! Kadiri ka! "

Nagpulong kaming magkakagrupo matapos ang tatlong period namin ngayong araw. Binigyan ko sila ng kanya-kanyang task para mabilis matapos ang dalawa pang chapter ng thesis. Napa-check na kasi namin ang tatlong nauna, approved naman.

"Okay na, kailangan ko ng report na yan after two days. " wika ko. Mahirap ang topic namin kaya kailangan namin ng maraming oras.

Nagpaalam na kaming lahat sa isa't isa matapos ang meeting. Naghiwalay kaming tatlong magkakaibigan. May lakad si Mitch na mukhang magba-bar hopping na naman. Si Rox ay nakadikit ulit kay Jake.

Himalang hindi ko nakita ngayong araw si Michael. Baka busy rin dahil ngayon lang siya hahabol sa mga requirements.

"Kanina ka pa? "

Naestatwa ako nang marinig ang boses ni Kairo. Nakatayo siya harap ko kaya kinailangan kong tumingala para makita ang mukha niya. Kuminang na naman ang mata niyang kulay asul.

Minsan iniisip ko kung marami ba akong karibal sa kanya. Hindi malabong magkagusto ang lahat ng babae dito sa kanya. Tulad nga ng sinabi ko ay malaking kasalanan ang kagwapuhan niya. Sumobra ito sa limitasyon.

"Hindi naman. Tara na? "

Tinitigan niya muna ako bago nagpatiunang maglakad. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Nagmadaling naman akong pumasok.

Bumabagal ang oras tuwing kasama ko siya. Sa totoo lang, hindi ko na ma-imagine na wala siya sa tabi ko. Tuwing umaga ay nakaabang na siya sakin sa labas ng gate. Tuwing hapon naman ay ako ang naghihintay sa kanya at kung minsan ay mas nauuna siya sakin.

"Ayoko pang umuwi. " wala sa sarili kong sabi.

Nahihiya akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakaangat ang isa niyang kilay na tila nagtataka.

"Pasyal muna tayo. " sambit ko.

"Saan naman? " baling niya sakin. "Hindi ako pamilyar sa mga pasyalan dito. "

Nag-iwas ako ng tingin at nag isip ng maaaring pasyalan. Mukhang papayag siya.

"Gusto ko sana sa mataas na lugar. "

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon