KABANATA 5

1.4K 46 3
                                    





NAKADAPA ako sa kama ng kwarto ko habang hawak ang iPad ko. Hinahanap ko sa social media sites kung meron bang account si Hekairo Corman. O baka naman hindi uso sa probinsya nila ang mga ganon.

Nag-login ako sa Facebook at tinipa agad ang pangalan niya sa search bar. Kinakabahan ako habang ginagawa ito. Feeling ko ay may nanonood sakin at mahuhuli niya ko.

"Bat wala? Sabi na nga ba hindi uso sa kanila yun e! " nanghihinayang kong sabi.

May kaunting results lang ang nandoon at isa-isa ko talagang tinignan. Kaso wala.

Nag-try din ako sa IG, sa Twitter at tumblr kaso wala rin.

"Napaka-misteryoso naman ng lalaking yon. "

Lupaypay akong tumihaya sa kama ko. Bakit wala siyang mga accounts? Gaano ba kahirap sa probinsya nila?

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Bigla kong naalala yung nangyari kanina sa clinic. Nakakahiya ang nasagot ko kay Jake. Ilang oras ng nangyari yon pero di pa rin ako maka-get over.

Napatakip ako sa muka ko kahit wala namang nakakakita sakin.

"Allixem Zephyr! Open this door! "

Naestatwa ako at saglit na natahimik. Is that Kuya?

"Allixem Zephyr! " ulit pa niya at kumatok ng ilang ulit.

Nagmadali akong bumaba sa kama ko. Kinakabahan kong tinungo ang pintuan para pagbuksan siya.

"K-Kuya? Anong problema? " utal kong tanong.

Sa pagkakaalala ko ay wala akong naging atraso ngayon.

"You are the problem, Allixem! Nakita kitang bumalik sa engineering building! What did you do there? Tell me the truth! "

Hindi ko alam kung pinipigilan ni Kuya Callix na magalit pero ramdam na ramdam ko ang galit niya habang sinasabi yon.

"Ah- Kuya, si Hekairo k-kasi nabalitaan kong nabugbog siya. I just checked him if he is okay. " kinakabahan kong sagot.

Napahilamos siya sa mukha sa sagot ko. Nagtiim ang bagang niya sa inis.

What the? Anong problema don?

"Did you like that guy, Allix? If yes, then it's a no for me! Ako na ulit ang maghahatid sundo sayo sa school. " mariin niyang sabi.

Nalaglag ang panga sa sinabi niya. Paano niyang diretsong nasabi sakin ang bagay na yon?

"Kuya-- "

"No, Allixem. Alam mo namang hindi ako makakapayag na mag boyfriend ka. It's too early. I'll warn that guy to stay away from you. "

Mabilis ang paghinga ni Kuya. Halatang galit na galit siya. Umalis siya sa harapan ko at dumiretso sa kanyang kwarto.

Naiwan ako ditong tulala at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya kanina.

Grabe! Pano niya nasabing may gusto ako sa lalaking yon? Binabaliw niya ang sarili niya. Mali ang paniniwala niya.

Arghhh!

Kinabukasan ay maaga akong nagbihis. Wala mang gana ay nag ayos pa rin ako. Pagkababa ko ay nadatnan ko na silang lahat doon. Umupo ako sa upuan ko at nginitian sila.

"Good morning, Allixem.  " sabay pang bumati sina Mama't Papa.

Napangiti ako ng malaki at binati rin sila. Nag-angat naman ako ng tingin kay Kuya Callix na masama pa rin ang timpla hanggang ngayon. Binati ko rin siya pero tanging tango lang ang sinagot niya.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon