KABANATA 23

1.1K 35 0
                                    

PURONG puti at pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin pagdilat ng mata ko. Tanging mga makina lang ang naririnig ko. May gumalaw sa tabi ko kaya napatingin ako dito.

Si Mama.

"Anak.. " naiiyak na sabi ni Mama. Sobra ang pag-aalala ng mukha niya at tila kakagaling lang sa pag-iyak.

"How are you feeling? May masakit ba? " natataranta niyang sabi.

Umiling ako. "Wala mama, I'm completely fine. " sagot ko at sinubukang bumangon.

Bahagyang sumakit ang likod ko. Ang nga galos ko ay halatang nagamot na. May nakakabit saking aparato na parang hindi ko naman na kailangan dahil wala akong maramdamang sakit sa katawan ko.

"Mama, si Kairo? Maayos ba siya? Ma... please, gusto ko siyang makita. " makaawa ko.

Wala pasubaling tumulo ang luha ko nang maalala ang nangyari kanina. Tandang-tanda ko at parang hindi na maaalis sa alaala ko ang trahedyang nangyari. Napakasama at tila isang bangungot.

"Nasa ICU pa anak. Magpahinga ka muna at baka mapano ka. "

"Hindi, mama. Maayos na maayos ako. Si Kairo ang mas malala ang natamo kesa sakin. Gusto ko siyang makita ngayundin. " pagmamatigas ko.

Wala siyang nagawa nang tumayo ako sa kama. Tinanggal ko ang swero ko tsaka nagmadaling lumabas ng kwarto. Nakasunod lang sa akin si mama na halos hindi malaman ang gagawin. Kahit siya ay natataranta.

"Anak naman... mapapano ka niyan e. "

"Mama, okay po ako. Si Kairo, siya ang hindi maayos. Malala ang nangyari sa kanya. " umiiyak kong wika. "Mama.. hindi ko po kayang mawala siya. Mamamatay ako.. "

Humihikbi akong naglakad patungo sa ICU room. May mga doctor at nurse akong nakasalubong. Mukhang nagmamadali sila at tila galing sa ICU.

What's happening?

Tumakbo ako at sumilip sa salamin ng kwarto. Nandoon si Kairo at kalunos-lunos ang kalagayan. Umaagos ang luha ko habang pinagmamasdan ang mga nakakabit na aparato sa kanya. Sobrang dami at malalaman mong napaka-komplikado ng sitwasyon niya.

Hindi ito maaari. This is not true. Oh God, please save Kairo.

Nanginginig ang mga kamay kong humawak sa dingding. Hindi ko kayang ibalanse ang katawan ko dahil sa bigat na nararamdaman. Napakasakit sa dibdib. Sobra.

"Mama... hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede. I'm gonna die. " wala sa sariling sabi ko.

"Shh.. hindi siya mawawala, anak. Wag kang mag-isip ng kung ano. Mabubuhay si Hekairo at magsasama pa kayo ng matagal. " pag-alo niya.

Hinaplos niya ang likod ko habang ako ay patuloy sa pag-iyak. Tumalikod ako dahil hindi ko kinayang makita ang kalagayan ni Kairo.

Hindi ko na makilala ang mukha niya. Napuno ito ng galos at pasa. Nabugbog ng husto ang katawan niya. Miski ako ay nararamdaman ang sakit na tinatamo niya. Napakasakit na makita siyang ganyan.

Please... gisingin niyo na ako. Alam kong isa lang itong bangungot. Nakatulog lang ako sa byahe patongong private island. Magsasaya pa kami. Marami pa kaming gagawin doon. Marami pa.

"Anak, magpahinga ka. Hindi maganda sa kalagayan mo ang ganyan. "

"Ayoko ma.. babantayan ko si Kairo. " hikbi ko. "Sabihin niyo sa doctor na papasok ako. Kailangan ako ni Kairo sa loob. Sabay kaming lalaban.. mama.. pakiusap... "

Halos hindi na ako makaaninag sa sobrang pagluha ko. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Ayoko na ng ganito. Tama na...

May lumapit sa aming doctor, marahil ay ang tumingin kay Kairo. Bakas sa mukha niya na hindi maganda ang ibabalita niya. Hinanda ko ang sarili ko para sa sasabihin niya.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon