HINATID ako ni Homer sa tapat ng bahay namin. Naiilang akong bumaling sa kanya.
"Two more days, right? After that, we'll separate ways. You'll never bother me anymore like what you've said. " paalala ko sa kanya tungkol sa kasunduan namin.
Madilim lang niya akong tinignan at marahang tumango.
"I'll study abroad after that. Hindi na ko guguluhin nina Mama't Papa do'n, for sure. Di na nila ko pipiliting magpakasal. " mariin niyang sabi.
"Good for you. Just call me when you need me to do something about your parents. I'll go now. "
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at nagmadaling lumabas. Hinintay kong makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa gate.
"Thesis, huh? "
Naestatwa ako nang marinig ang boses ni Kuya. Nasa labas siya ng pintuan malayo sa akin. Nanlalaki ang mata kong bumaling sa katabi niya.
"K-Kairo? " di makapaniwalang banggit ko.
What is he doing here? And together with Kuya Callix? What's going on?
Napanood ko kung pa'no nila pinagmasdan ang ayos ko ngayon. Bumaba ang tingin nila sa suot ko. Humigpit ang hawak ko sa bag na dala.
Bakit ko ba nakalimutang magpalit ng uniform bago ako umuwi? Napakatanga mo, AZ!
"Allixem Zephyr, let's talk. " galit na sabi ni Kuya tsaka bumaling kay Kairo, "Thanks, man. "
"Walang anuman. " sagot ni Kairo at tumitig muli sakin.
"Mag-uusap tayo, Allixem. Pumasok ka na sa loob. " mariing sabi ni Kuya.
Naguguluhan akong nagpalit-lipat ng tingin sa kanila. Huminto ang tingin ko kay Kairo nang makita ang pinaghalong galit, inis at nag-aalala niyang itsura.
"Allixem Zephyr. " matigas muling banggit ni Kuya. Tila nawawalan na ng pasensya sakin.
Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko sina Mama't Papa sa sala na nanonood ng TV. Pareho silang nagtataka sa ayos ko.
"May pinuntahan kang birthday party, Allixem? " kunot noong tanong ni Papa.
Napalunok ako at nangapa ng sagot. Ito yung feeling na pinipigilan mong huminga dahil sa laki ng kasalanan mo.
"Papa, may pinuntahang birthday party si Allixem. Nagpaalam siya sakin kanina. " si Kuya ang sumalo sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kanya. Matalim niya akong tinignan.
Sumulyap ako sa likod niya. Where's Kairo now? Umalis na ba siya?
"Ganun ba? Magbihis ka na at magpahinga. " si Mama.
Nagpaalam ako sa kanila at nagmadaling umakyat sa hagdanan.
Kinakabahan ako habang naliligo. Pati na rin sa pagbibihis ay hindi natanggal ang kaba ko. Ano kayang sasabihin sakin ni Kuya? Nakakatakot pa naman siya kapag may ginawa kang malaking kasalanan sa kanya.
Nagsinungaling ako. Nalaman niya kaya? Malamang ay nalaman niya, AZ! Umuwi ka ng naka-dress at naka-make up! Should I tell him the truth na?
Medyo gumaan ang loob ko nang lumapat ang likod ko sa kama. Nagtaklob ako ng kumot at inalala ang mga nagawa ko ngayong araw.
So stupid, AZ! Hindi ka mabubuking kung nagpalit ka ng uniform! Bakit ba hindi mo naisip yon!?
Nagitla ako nang may kumatok sa pinto ko. Mabilis akong bumangon para buksan ito. It's Kuya Callix, I know!
BINABASA MO ANG
Please, Stay (COMPLETED)
RomanceI want you to stay never go away from me... stay forever... "I'll protect you no matter what. " "No, please... not yet. Hold on. "