KABANATA 18

1.2K 44 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga akong nagising sa normal na paggising ko noon. Nahirapan akong nakatulog kagabi. Ganun ata kapag inlove, excited sa kung anong mangyayari kinabukasan.

Nag-ayos ako ng sarili. Iniisip ko kung magdadagdag ako ng makeup sa mukha ko. Usually liptint at blush on lang ang gamit ko kapag papasok. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Pinilig ko ang ulo ko at nagpasyang wala ng babaguhin sa itsura ko.

Naamoy ko agad ang luto ni mama nang makababa ako sa hagdan.

"Good morning, everyone. " I greeted them happily than usual.

"Inlove nga. " rinig kong bulong ni mama.

Hindi ko pinansin si mama at naupo na lang sa upuan ko. Hindi natanggal ang ngiti sa aking labi hanggang sa matapos ang pagkain namin.

"Lagot ka kay Kuya Callix mo. " biglang sabi ni Papa.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagpalipat-lipat ito sa kanilang dalawa.

"Hayaan na natin 'yang si Allixem. Sabi nila tumataas daw ang marka ng taong inspired. " sambit ni Mama.

"Ayos lang naman sa akin kung may nagugustuhan ka, Allixem. Wag mo lang papabayaan ang pag-aaral mo. " si Papa.

"Hindi namin sasabihin sa Kuya mo. " si Mama. "Tingin ko 'yang si Callix may babae na sa Canada, bibihira ng tumawag sa amin e. "

"Dapat pag-uwi niya dito sa Pilipinas may apo na tayo. " humalakhak si Papa.

"Ikaw Allixem, sabihin mo agad sa kuya mo kung may boyfriend ka na. Maiintindihan niya naman iyon. "

"Isa pa, matatanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Wag niyo lang kaming bibigyan ng sakit sa ulo. " pangaral pa ni Papa.

Ni hindi na ako maka-singit sa usapan nila. Ang bilis nilang magsalita at nagpapalitan ng opinyon. Gusto kong linawin sa kanila na wala pa akong boyfriend. Mukhang hindi naman sila maniniwala kaya hinayaan ko na lang. Tsaka malakas ang fighting spirit ni Mama na may karelasyon na nga ako.

"Dapat talaga ay sabihin mo na kay Callix hanggang maaga pa, Allixem. " si Mama.

"Hindi ko alam kung bakit mas mahigpit pa sakin ang batang iyon. " naiiling na sabi ni Papa. "Siguro ay nasawi na sa pag-ibig noon at ayaw niya lang na maranasan mo ng maaga. "

"Mama, papa, wala akong boyfriend. " sa wakas ay nasabi ko na. Ayokong dumating sa point na ibalita nila iyon kay Kuya Callix.

"Crush meron. " siguradong sabi ni Mama. "Ganyan din ako ka-blooming noon nang magustuhan ko ang papa mo. " kinikilig na sabi ni Mama. Parang teenager kung magkwento.

"Patay na patay sa akin ang mama mo noon. Kulang na lang ay siya ang manligaw saming dalawa. " natatawang kwento ni Papa.

Nagbalik-tanaw sila noon at masayang kinuwento sakin ang love story nila. Narinig ko na ang iba noong time na nagkwento sakin si Mama noon. Marami lang nadagdag nang si papa na ang nagkwento.

Nakaka-inspired ang love story nila sa totoo lang. Gusto ko ring maranasan hanggang maaga pa.

"Kanina pa ata naghihintay yung service mo doon. Pinapapasok ko kanina pero tumatanggi naman. " usal ni mama.

Hindi naman nawala sa isip ko si Kairo. Nalibang lang talaga ako sa usapan nina Mama.

"Ano nga ulit ang pangalan ng gwapong iyon? " tanong ni Mama.

"Si Hekairo Corman po. "

"Imported nga! " bumaling siya kay Papa. "Tingin mo, bagay ba sila ni Allixem? "

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon