PAANO nga ba sini-celebrate ang araw ng pasko? Required bang may spirit of Christmas sa loob at labas ng bahay? O kaya naman nonstop Christmas songs?
Hindi ko alam pero itong pasko na ito ang pinakamalungkot sa lahat ng mga naging pasko ko. Wala si Kuya Callix. Wala si Mama't Papa dahil kinailangan nilang lumipad sa States para pormal na makipagkilala sa isang business tycoons doon. Isa pang importante ay ang charity event na dadaluhan ni Mama.
Sinasama nila ako dalawang araw bago sila umalis. Tumanggi ako dahil akala ko ay makakauwi sila agad after three days. Umabot na ng limang araw ay busy pa rin daw sila. Ngayon ko lang naramdaman ang kawalan nila ng oras at atensyon sakin. Nakakapanibago.
Uuwi naman siguro sila bago mag-New Year.
"AZ to earth! Hello~~ kanina ka pa tinatanong ni mommy kung pupunta ka raw ba dito? " paggulat sakin ni Mitch. "Tutal ikaw lang naman mag-isa, dito ka na mag-Noche Buena. " dagdag pa nito.
"Oo nga naman, AZ! Pumunta ka na kina Mitch. Or if you want dito ka samin. Five hours ang byahe. " panunuya pa ni Rox.
Huminga ako ng malalim at napasandal sa bakal na upuan dito sa veranda. Malamig ang hangin at dalawang oras na lang bago magpasko.
"Don't worry, guys. I'm really okay here. Besides, I don't wanna ruin your family time. " I answered.
Nawala si Rox sa screen pero bigla ding bumalik. May dala na itong dalawang kahon ng regalo.
"Look! Ibibigay ko ito sa inyo pag nakauwi na kami dyan sa Manila. " wika nito. "Ikaw AZ, wag na matigas ang ulo. Pumunta ka na kina Mitch dahil siya lang ang mapupuntahan mo dyan. Ayaw naming maging bitter ka pag dumating pa ang another Christmas. "
"Sige na, AZ. Dito ka na mag-Christmas. Matutuwa si mommy kapag pumunta ka. " pamimilit pa ni Mitch.
Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang doorbell. Dumungaw ako sa gate para tignan kung sino iyon. Di ko naman makita dahil natatakpan ito ng malapad na gate.
"Wait lang ah. May tao sa labas. " paalam ko sa kanila.
Hindi ko na pinatay ang video call at mabilis na bumaba patungong gate.
Sinalubong ako ng malakas na hangin. Kinilabutan ako habang naglalakad papuntang gate. Agad na bumungad sakin ang kulay asul na mga mata pagkabukas ko pa lang ng gate.
Tila nawalan ako ng boses dahil sa sobrang pagkagulat.
"Wh-What are you doing here, Kairo? It's late. " utal kong sabi.
Humakbang siya palapit sakin kaya napaatras ako. Napansin ko ang suot niyang simpleng shirt at denim pants. He really looks like a freaking Bench & Bath model.
"Mag-isa ka lang. "
It's not a question. He said that like a matter of fact.
Pinanood ko ang pag-angat niya ng tingin sa tatlong palapag naming bahay. Siguro ay iniisip niya kung bakit wala man lang christmas decorations na nakasabit. Well, hindi naman ako marunong mag decorate.
"It's okay. Matutulog lang naman ako. " I said firmly.
"I will not let that happen. " matigas niyang sabi. "You're coming with me. "
Months after that oh-so-called--- wrong call he started to act weird. Very weird. Magkasing-edad lang kami pero feeling ko mas matanda siya ng sampung taon kung kumilos at magsalita.
Pagkatapos nang nangyaring prank call daw ay naging mahigpit at kumplikado na siya sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag iba ang trato niya sakin. Pinagsawalang bahala ko na lang dahil wala namang mawawala sakin.
BINABASA MO ANG
Please, Stay (COMPLETED)
RomanceI want you to stay never go away from me... stay forever... "I'll protect you no matter what. " "No, please... not yet. Hold on. "