CHAPTER 20

1.2K 44 3
                                    

SINURI ko muna ang sarili ko bago lumabas ng sasakyan. Pagkaapak palang sa lupa ay kinabahan na agad ako. Namamawis ang kamay ko at nagbutil-butil din ang pawis sa noo ko. Kinakabahan ako ng sobra.

"Don't worry, they are gonna like you for sure. " pag-aalo sakin ni Kairo.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. Naestatwa ako sa ginawa niya.

"Normal lang naman sigurong kabahan kapag haharap ka sa pamilya ng boyfriend mo. " nakanguso kong sabi.

Tinapik niya ang ulo ko ng marahan. "Tara na? Naghihintay na sila satin. "

I have done this before. Noong pinakilala ako ni Homer sa parents niya. Pero never kong naramdaman ang ganitong kaba. Normal lang noon. Dahil ba hindi naman totoo ang relasyon namin? At nagpapanggap lang kaming dalawa.

Hindi ko akalain na ganito pala ang feeling ng totoong paghaharap sa pamilya ng taong mahal mo. Palagi naman akong handa pero ba't ngayon ay umuurong ang sistema ko.

"Everything is gonna be alright," he whispered.

Pumasok kami sa kanilang simple ngunit eleganteng bahay. Dalawang palapag ito at tama lang ang laki. May kaya naman pala sila base sa nakikita kong kasangkapan at mga dekorasyon.

Ilang oras ang byahe dito sa Cebu, ang probinsya ni Kairo. Malayo nga ito sa kabihasnan kaya pala ang lalim magsalita noon ni Kairo ng tagalog.

Sa daan palang papunta sa bahay nila ay pansin mo na ang kaibahan nito sa Manila. Bilang lang sa daliri ang kabahayang may dalawang palapag. Hindi rin detalyado ang pagkakagawa at kulang sa arts.

Kakapatag lang ng kalsada dahil halata namang bago pa ang semento nito. Maraming puno at napaka-presko ng paligid. Hindi rin masakit sa balat ang sinag ng araw.

Nagtungo kami sa kanilang maliit na kusina. Sa hapag ay pansin mo ng maraming nakahandang pagkain. Pagkaing probinsya na bago lang sa paningin ko. Ang alam ko lang ay ang pritong tuyo at tinapa na naroon. Marami ding lutong gulay.

"Magandang tanghali po. " bati ko sa mga nakaupo doon.

Apat na kababaihan ang naka-angat ang tingin sakin. Katulad ni Kairo ay kulay asul din ang mata ng dalawang mas bata, mga kapatid niya. Binigyan nila ako ng palakaibigang ngiti. Ginantihan ko naman sila ng matamis na ngiti ko.

"Magandang tanghali rin, hija. Maupo ka. " sambit ng ginang na nasa around 50s ata ang edad. Tingin ko siya ang lola ni Kairo.

Nagmano ako sa kanya at nagbeso naman ako sa babaeng tingin ko ay ang mommy ni Kairo.

"Salamat po. " usal ko bago naupo sa upuan.

Tumabi sakin si Kairo na sumeryoso ang tingin sa pamilya niya.

"Napakagandang bata talaga ng kasintahan mo, apo. " malumanay na wika ng kanyang lola.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Kung dati ay sanay akong purihin ng matatanda ngayon ay naiilang na ako. Lalo pa't nanggaling ito sa lola ni Kairo.

"She's beautiful inside and out, Lola. " pagmamalaki ni Kairo.

Nagbaba ako ng tingin sa hiya. Kahit kailan ay hindi ako masasanay sa ganito.

"Alam ba ng magulang mo na luluwas ka dito? Mabuti at sinamahan mo si Kairo na umuwi. " baling ng mommy nito.

"Opo, nagpaalam po ako sa kanila. Alam din naman nilang may relasyon kami ni Kairo. " paliwanag ko.

"Kumain muna tayo habang nag-uusap. " sambit ni Lola-i-don't-know-her-name.

Dapat pala ay tinanong kong muli kay Kairo ang mga pangaln nila. Sinabi niya na sa akin ito noon pero nakalimutan ko lang.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon