KABANATA 21

1.3K 41 0
                                    

TIME passed by really, really fast. Hindi ako makapaniwalang tatlong taon na kami ni Kairo. We'd celebrate our monthsary and of course, our 3rd anniversary.

"I still can't believe we made it. We are still together and going strong. I really love you, Kairo. " I whispered to his ear.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Tinangay ng malakas na hangin ang ayos ng aming buhok. Kumikislap ang kanyang mata habang nakatingin ng diretso sakin.

"Gagawin ko ang lahat para magtagal ang relasyong ito. Remember my words, I will do everything to protect you. I will do everything even it is caused my life. " malalim niyang wika.

"No, Kairo. We will do everything to protect this relationship. Hindi ko kayang mawala ka pa. Hindi ko kaya. " naluluha kong wika.

Pinigilan ko ang luha ko at tumingala sa kalangitan. Napakaganda ng mga bituin. Nagni-ningning tulad ng mga mata ni Kairo.

"Pangako, hindi kita iiwan. Ibibigay ko pa sa iyo ang lahat. Pangako ko sa'yong ikaw ang huling babaeng mamahalin ko. "

"Thank you, my man. I love you. "

Dinampi ko ang labi ko sa kanya. Napangiti ako nang maramdamang gumalaw ito. Nagtagal ng ilang minuto ang pag-iisa ng labi namin. Niyakap niya muli ako ng mahigpit at binaon pa ang mukha sa leeg ko.

Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ang kanyang hininga dito. Palagi niya naman itong ginagawa pero hindi pa rin ako nasasanay.

Tatlong taon na ngunit kinikilig pa rin ako sa kanya. Tatlong taon na ngunit natatagpuan ko pa rin ang sarili kong nangangarap sa kanya. Tatlong taon na ngunit bumibilis pa rin ang tibok ng puso kapag lalapit siya.

I also find his kisses like it's my first. It always feels the first time when we touched each other lips.

Ilang oras na kami dito sa Malibu Bridge. This long bridge looks Malibu itself. It is so confusing and magical at the same time. It is located miles away from Manila.

Punong-puno ang haligi nito ng padlocks. May iilang couple pa na nagkakabit ng padlock nila at pagkatapos ay magki-kiss.

Hinawakan ko ang padlock na kinabit namin ni Kairo. We both have the key to it. Nakaukit dito ang pangalan naming dalawa. They found it corny but for us it is romantic.

"This bridge is really strong. Millions of padlock hanging on it but still, it can stand," said Kairo. "Like us. We are so strong even they want to tear us apart. Hindi nila tayo kaya. "

"Dahil nagmamahal tayo ng totoo sa isa't isa. Wala silang makitang butas kaya hindi sila makapasok. " sambit ko.

Tumawa siya ng pagak at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I love you, miss beautiful," he whispered again.

"I know and I love you too. "

Hinatid niya ako sa bahay matapos naming nag-dinner sa isang resto. Malawak ang ngiti ko habang papasok sa bahay. Damn, I am inlove with Hekairo Corman everyday.

Tahimik nang makapasok ako sa bahay. I can smell a very familiar perfume but I can't recognize it.

Naglakad ako patungong sala dahil doon madalas sina Mama tuwing gabi para magpahinga at manood ng paborito nilang teleserye.

Ngunit ganun na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang naka-dekwatro sa pang-isahang sofa. Muntik na akong matumba dahil doon. Pares ng seryoso at matalim na mata ang nakatingin sa akin ngayon.

Naestatwa ako at halos hindi makapaniwala. Kinakabahan ako dahil sa excitement.

"Kuya Callix. " usal ko.

Please, Stay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon