Prolouge

1.4K 26 4
                                    

"Oh sige na, basta sa inyo ako tutulog mamaya ha? Bye! Enjoy kayo sa date nyo!" mabilis na nawala sa aking paningin si Aliana.

Patungo ako ngayon sa lockers area para ilagay ang aking mga gamit. Half day lamang ang mga klase ngayon kaya't kanya-kanya ng lakad ang mga estudyante pagkatapos ng labasan.

Si Aliana, ang aking bestfriend ay may lunchdate kasama ang kanyang pamilya samantalang ako ay may date din kasama naman ang aking boyfriend na si Zian. Ika- labinglima na buwan na namin ngayong araw kaya't napagplanuhan na lamang namin na kumain sa labas para icelebrate ito.

Tinext ko si Zian na sa may lockers area na lamang kami magkita ngayon. Hindi pa nga lamang siya nagrereply kaya't hindi ko alam kung nabasa na niya ito. Gwapo si Zian, hindi ko maipagkakaila ito. Meron din itong talento sa pagkanta at pagsayaw kaya sikat siya sa aming paaralan at napakarami ang nagkakagustong babae sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit sa dami ng magagandang babaeng naririto sa campus ay ako ang nagustuhan niya.

"There's no need for a reason, baby.. I just love you" ayan palagi ang kanyang sagot tuwing tinatanong ko siya kung bakit ako. Maituturing ko naman na napakaswerte ng aking sarili dahil sa loob ng mahigit isang taon ay hindi siya nagloko sa akin. Napakarami nga ng naiinggit sa akin dahil bukod daw sa napakagwapo ni Zian, napakaloyal pa nito. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking iyon.

Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na nasa lockers area na pala ako. Wala akong nadatnang Zian doon kaya't naisip ko na baka hindi niya pa nababasa ang aking text. Matapos kong ilagay ang aking mga gamit sa locker ay tiningnan ko sa aking relo ang oras. 12:30 na pala kaya kakaunti na lamang ang mga estudyanteng naririto. Umupo muna ako sa isang mahabang bench sa may pintuan ng isang abandoned room para maghintay kay Zian.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin ito. Nakakapagtaka samantalang dapat ay kanina pa siyang naririto dahil sabay lang naman ang oras ng labasan naming dalawa.   Sinubukan ko syang tawagan ngunit out of coverage area daw ito.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at napakarami ko na ring text sa kanya. Naiirita na ako sa totoo lang. Sumandal ako sa pinto ng abadoned room at laking gulat ko ng may bumagsak bumagsak sa loob nito. Dala ng kuryosidad ay binuksan ko ang pinto ng abandoned room.

At ang pagbukas ng pintong iyon, ang isa sa mga bagay na pinagsisihan kong gawin sa aking buhay.

There's Zian... I saw Zian... 

I saw Zian kissing other girl.

My heart broke after realizing what I saw. Tears fell down on my cheeks.

Gulat na gulat ang mukha ni Zian nang makita ako. Ganun din ang babaeng kanyang kasama. Sinubukang lumapit sa akin ni Zian ngunit agad akong umatras pabalik. Sakit. Galit. Yan lamang ang mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang pandidiri na nararamdaman ko.

"Let me explain, Shan.." mula sa gulat na ekspresyon ni Zian ay lumambot ito. Tila ba nagmamakaawa.

Tumingin lamang ako sa kanya, lumuluha, matapos ay inilipat ko ang aking tingin sa babaeng kanyang kasama, si Astrid. Isa ito sa pinakamagandang babae sa aming campus ngunit maraming may ayaw sa kanya dahil may taglay nga raw itong kalandian. Gulat itong nakatingin sa akin ngunit ng lumapat sa kanya ang aking mga mata ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Lumapit ako sa kanya at agad siyang sinampal bago tumalikod.

"Shan please..." lumapit sa akin si Zian at hinawakan ang aking braso.

"Bitawan mo ako." May otoridad kong sabi ngunit mas hinigpitan niya lamang ang kapit sakin.

"Bitawan mo ako sabi!" pilit akong kumawala sa kanyang hawak at ng makawala ako ay mabilis ko siyang sinampal. Kasabay nito ay ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.

Tinalikuran ko silang dalawa at naglakad papunta sa pintuan ngunit bago ako umalis, kahit hinang-hina at nasasaktan ay muli akong humarap sa kanila at nagsalita.

"Happy monthsary, Zian."

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon