Bonding
Isinirado ko ang aking laptop. Napaisip ako sa kanyang sinabi. Siguro kaya hindi ko magawang tuluyang maging masaya dahil sa mga galit na nasa puso ko.
Una, sa daddy ko. Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon ko lamang siya nabanggit ay dahil sa gusto ko na siyang kalimutan. He has another family, at mas pinili niya sila kaysa sa amin.
I was 12 years old noong nalaman kong may iba na siyang pamilya. Halos magunaw ang mundo ko noon. Galit na galit ako sa kanya lalo na't I saw how my mother suffered because of him. Tutok lagi sa trabaho, kahit hanggang ngayon. Kaya't tulad ng aking sinabi noong nakaraan, hindi na namin siya nakakabonding. Naiintindihan ko naman na paraan niya ito ng paglimot pero si Chloe ay parang nagtatanim na din ng tampo sa kanya.
Noong una ay nakakareceive pa ako ng mensahe galing kay Papa. Ngunit lumipas ang ilang taon na kahit isang "Kumusta" ay wala. Lalong lumalim ang galit na itinanim ko sa aking puso.
Sunod, kay Zian. I opened my heart to him. Binuksan ko ang aking puso sa isang lalaki, sa kabila ng ginawa sa amin ng daddy ko. Inakala kong he's different from my dad. I loved him so much, pero anong ginawa niya? He cheated to me, just like what my dad did to my mother.
Dumagdag pa si Wesley na iniwan din si Aliana.
Now, tell me. Anong pagkakaiba ng mga lalaki?
Forgive people that hurt you and start over again
Should I?
Kaya ba hinding-hindi ko makalimutan ang pang-iiwan sa amin ni daddy dahil sa matinding galit sa puso ko?
Kaya ba hindi ako tuluyang makamove on kay Zian dahil sa sobrang galit na nasa puso ko?
Kaya ba tila naiiwan ako sa nakaraan dahil hindi ako marunong magpatawad?
Forgive people that hurt you and start over again.
Shaniella Charlize... should you?
Nakatulugan ko na ang pag-iisip.
Kinabukasan ay nagising ako dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin.
Pagkamulat ko ng aking mata ay nagulat ako nang makitang si mama ito. I looked at my wall clock at nakitang 9am na. Usually sa ganitong oras ay nagtatrabaho na siya.
"Mama? What are you doing here?" I asked with full of curiosity because this is so new for me.
Tumawa sya "Goodmorning anak." she said smiling.
I smiled saka bumangon mula sa pagkakahiga. "Goodmorning ma. Hindi ka pa papasok sa work?" I greeted then asked her.
"You should take a bath and prepare your things. We're going to a three days vacation!" she announced. Nagulat ako. This the first time for almost 10 years na narinig ko sa kanya ito.
"Seryoso ba ma?" gulat na gulat ko pa din na tanong.
"Mamaaa pwede bang magshopping muna ako bago tayo umalis?" rinig kong sigaw ni Chloe mula sa kanyang kwarto.
My mother smiled at me before she went outside my room. Pagkaalis niya ay nagtatakbo na ako sa CR at naligo.
While taking a bath, I still can't believe that this will happen. Noong mga nakaraang taon, kapag summer vacation ay halos kami lang laging dalawa ni Chloe ang nagbobonding. Kapag kaming dalawa ay walang plano ay sobra sobra naman kaming nababagot sa bahay. Kaya hindi ko talaga alam kung anong naisip ni mama sa araw na ito.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis at naghanda ng mga damit na aking dadalhin. I wore my terno off shoulder floral top and shorts. Buti na lamang at marami akong summer outfits na mga binili ko noong mga nakaraang taon. Kinuha ko din sa aking cabinet ang aking summer hat at saka ang aking shades.
Nang maayos ko ang lahat ay dali-dali na akong bumaba. I saw mama and Chloe in there they are both ready.
"Oh ayan na si Charlize, tara na." sabi ni mama nang makita akong pababa ng hagdan.
"Yeyy lets go!" excited na excited na sabi ni Chloe. Napailing na lamang kami nina manang.
Wala kaming kaalam-alam na sa Palawan pala ang aming punta. I and Chloe are so happy.
We landed at Puerto Princesa at 1pm. Since it's still early and we still have time, we had a city tour.
Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng Palawan. Napakalinis ng kapaligiran. Talagang nakakatuwang pag masdan.
We took a lot of pictures and selfies. Lalong-lalo na si Chloe na kitang-kita ang saya sa kanyang mga mata.
I looked at mama, she's smiling, halatang nag-eenjoy din sa mga nakikita. I can see that she's happy pero alam ko na sa loob loob niya ay iniisip niya ang kulang sa amin. Si daddy.
Susubukan kong kalimutan lahat ng mga bumabagabag sa akin dito. Napakapeaceful ng lugar na ito at tamang-tama lamang sa pagrerelax.
Pagkatapos naming maglibot at kumuha ng maraming pictures ay bumalik na rin kami sa hotel para kumain dinner sa restaurant dito. Masasarap din ang pagkain. Aaaaa I think I'll love to live here forever.
Matapos ang pagkain at kaunting oras ng pagpapahinga sa aming kwarto ay naisipan namin ni Chloe na magswimming sa pool ng hotel na ito. Noong una ay ayaw pang pumayag ni mama ngunit sa huli ay nakumbinsi na din namin ito.
Matapos ang swimming ay muli na kaming bumalik sa aming kwarto para matulog. Before sleeping, I checked my twitter account first. I was shocked seeing a lot of notifications on it. Mga mentions ito na naiinggit daw sila sa akin dahil finollow daw ako ng idol nila. Kahapon pa ang mga tweets na ito ngunit ngayon ko lamang nakita.
Tiningnan ko ang mga accounts na iyon, may mga tweets akong nakita na baka daw aksidenteng napindot lamang ni Zian ang follow button. Ipinagpasawalang bahala ko na lamang ang mga ito.
The next day, we travelled to El Nido for an Island Hopping. I was really amazed of all the islands we had been. Sobrang ganda. The lagoons look so amazing and wonderful. Kung hindi siguro malaki ang GB ng cellphone ko ay napuno ito dahil sa dami ng pictures na nakuha ko. Sunod-sunod pa ang mga IG Stories ko.
At night, we travelled back to our hotel in Puerto Princesa. Bago dumiretso sa aming kwarto ay kumain muna kami dahil nagutom kami sa byahe.
"Mga anak" iinom na sana ako nang biglang nagsalita si mama.
"Yes mama?" sagot ni Chloe na ngayon ay tapos na ding kumain.
"Nag-enjoy ba kayo today?" tanong niya.
Agad naman kaming tumango ni Chloe.
"Super, mama. Ikaw ba ma?" I said while smiling.
"Of course! Im glad that both of you enjoyed. Im sorry kung ngayon ko lang naisipan ito. Charlize, Chloe, I'm sorry if I've been too busy these past years. Hayaan nyo, babawi ako. I promise that!" maluha-luha niyang sabi.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at niyakap si mama. Ganun din naman ang ginawa ni Chloe. My heart is so happy. Happy that our mama is finally back.
Kinabukasan, our last day, we had an underground river tour. After that, we bought some souvenirs bago kami bumalik sa hotel.
As soon as we came back to the hotel, we prepared our things already. Now, we're ready to check out.
This 3 days vacation is one of the best for me. We weren't just able to explore Palawan but we we're also able to chill and relax. Sobrang saya. Kung pwede nga lang ay magtagal kami ngunit may trabaho pang naghihintay kay mama.
Gabi na nang makauwi kami, sila mama at Chloe ay nagderetso agad sa kanilang kwarto at nagpahinga. Ganun din ang aking ginawa.
But before I sleep, I tweeted first.
@ __shannyyy
My heart is so happy. ❤
BINABASA MO ANG
A Hater's Love Story [ DonKiss ]
FanfictionOh yes, surely he have the looks, the intelligence, and the money. He actually is the most known artist in the showbiz today. He has a big fanbase. He almost have everything. Everyone loves him--- well except me. Yes, you read that right. I hate the...