Pangdalawampu't anim

546 33 8
                                    

To be published.

"Hi! "I greeted then smiled at her. Sunod akong bumaling naman kay Tita Zichella.

Gulat na nakatingin sa akin si Risse nang magbeso ako kay Tita Zichella.

Habol ang kanyang tingin sa akin. I smiled to her again, pang-asar lang.

"Uh, Risse, this is Shaniella, my girlfriend." pagpapakilala sa akin ni Zian.

I extended my hand but she rejected it. "Uh Tita, I'm going na. " pagpapaalam nito kay Tita Zichella bago niya kami nilampasan ni Zian ng hindi tumitingin sa amin.

"Uh.. lets eat? " pag-aaya ni Tita Zichella at nagtungo naman kami sa kanilang dining area.

Habang kumakain kami ay nabanggit ni Tita Zichella na huwag na lang ako magpaapekto sa ginawa ni Risse. Intindihan na lang daw muna lalo na't may nararamdaman ito para kay Zian.
Naikwento ko din kay Zian kanina ang nangyari sa aming encounter ni Risse sa company nila. Natawa na lamang si Zian.

Inihatid ako ni Zian sa bahay ngunit nagdodobleng ingat kami dahil baka may makapagpicture na naman kaya't hindi ko na siya pinababa ng sasakyan.

Habang papasok ng bahay ay narinig ko ang boses ni mama mula sa kanyang opisina. Gising pa pala ito. Hindi sinasadya ay narinig ko ang kanyang sinasabi sa kanyang kausap.

"Hindi nyo na talaga naconvince? " tila ba walang pag-asang tanong nito sa kanyang kausap.

I heard her sigh. "Sino pang kilalang writer ang alam nyo? Sa iba na lang tayo magfocus"

"Okay then. Pakibilisan niyo na lang ha? Hindi pwedeng si Brayden lang ang pag-asa ng company natin."

May problema ba sa company? Hindi na ako nakatiis, nang matapos ang tawag ay pumasok ako sa kanyang opisina.

"Oh anak, nandiyan ka na pala. Kumusta naman ang first day and dinner niyo ni Zian at ng mommy niya? " salubong na tanong nito sa akin.

Ngumiti ako ng tipid. "Okay naman ma. Ikaw ba ma kumusta? You look stressed... may problema ba sa company? " ako naman ang nagtanong.

Nagbuntong hininga siya. "Medyo mahirap makahanap ng authors na willing ipublish ang books nila sa company natin. May publishing na din kasi ang isang sikat na entertainment company at most of the authors dun gusto ipublish books nila... they're hoping for their stories to have a movie adaptation maybe?" pagpapaliwanag niya sa akin.

"Pero kahit naman ibang publishing company pwede namang maging movie ah? " sagot ko naman.

"Ewan ko rin. Mas malaki kasi ang possibility kapag dun sa mismong company na yun eh, hay napakalaking competitor noon anak. " napapikit siya at napahilot siya sa kanyang sintido.

Napaisip ako. Is this the time na kailangan ko ng ipaalam sa kanya ang pagiging writer ko? Handa na ba akong malaman ng ibang tao kung sino talaga ako? Gosh.. I think not.. but, namomroblema na ang mama ko.

What should I do?

I sighed. Okay. I've decided.

"Uh mama... " mahinang tawag ko.
"Hmmm?"

"I have to tell you something" ani ko.

"What is it? " napamulat siya bago pumikit ulit.

"Uh m-ma, I'm a writer po kasi.. " sabi ko sabay tungo ng aking ulo.

Ngayon ay tuluyan na siyang napamulat.

"What do you mean?" gulat niyang tanong.

"I'm a writer po. Sa wattpad. Uhm lets say, I'm like Brayden. " pag-ulit ko.

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon