Naging abala ang nakaraang tatlong araw para sa akin dahil sa completion of requirements kaya't hindi ko pa rin nabubuksan ang aking wattpad account at hindi pa rin nakakapagupdate. Simula na sana ng aking bakasyon ngunit babalik ako mamaya sa eskwelahan para tulungan ang aking mga kaibigan sa mga requirements na hindi pa nila nagagawa.
Pagkabukas ko ng aking account ay hindi na ako nagulat sa mga readers na nagdedemand ng update, nakasanayan ko na din siguro. Mabilis kong tiningnan ang mga messages para tingnan ang mga mensahe sa akin--- oh sige na, para tingnan kung nagreply na ba ang lalaking iyon ngunit nadisappoint lamang ako.
It's been three days, ang ineexpect ko ay marami ulit siyang demand sa akin tulad noong nakaraang linggo ngunit ni-isang reply sa huli kong mensahe sa kanya ay wala.
Teka... bakit ko ba iniisip 'to? Wala naman dapat akong paki diba? What's so special about him para hanap-hanapin ko ang message nya? Wala naman diba? Napabuntong-hininga na lamang ako bago magsimulang magsulat ng panibagong Kabanata.
"Shan!!!!!" halos mangiyak ngiyak na tawag sa akin ni Hazel nang makitang paparating ako sa aming meeting place.
"Tapos na requirements mo?" tanong ko sa kanya bago uminom ng binili kong Iced Coffee.
Nagbuntong-hininga siya. "Sa tingin mo ba ay ganito ang magiging reaksyon ko kung tapos na ako?" napasimangot siya.
"Kanina pa yang namomroblema Shan, buti na lang at dumating ka na." singit naman ni Kryzz na abala din sa kanyang ginagawa.
Natawa ako. "Akala ko ba kahapon ay limang paragraphs na lang ang kulang mo?"
Kahapon kasi ay mukhang okay naman na siya dahil limang paragraphs na nga lang ang kulang niya kaya't nagtataka ako na ganito siya ngayon.
"Ayun nga eh! Natapos ko naman kagabi pero noong pinakita ko kay Ms. Fukuda kaninang umaga ay binalik niya sa akin. Palitan ko daw yung limang huling paragraph dahil wala daw ito sa topic!" halos maiyak si Hazel sa pagkekwento sa akin.
Naawa naman ako. "Patingin nga." aniya ko.
Hindi ko alam kung paanong nagkaganon, magaling ding magsulat ng kwento si Hazel kaya't paanong ganito ang mangyayari? Hindi kaya'y distracted siya?
Napansin kong nawala nga siya sa topic sa mga huling paragraph. Noong una kasi ay tungkol sa magkaibigan na nahulog sa isa't-isa ang topic niya tapos noong pahuli ay biglang naging tungkol sa pagka-friendzoned ito.
Sinubukan kong gumawa ng isang paragraph para ito ang lead na masundan niya. Nang matapos ay binigay ko ito sa kanya at nagsimula na rin siyang magsulat ng idudugtong.
"Nasaan pala sila Aliana?" tanong ko nang mapansing wala si Aliana at Wesley dito.
"Ewan ko ba doon. Nagpunta siya dito kanina, hinahanap ka pero noong wala ka'y umalis na rin at may naiwan daw siya sa kanila" sagot sa akin ni Kryzz.
"Mukhang malungkot nga eh. Sinubukan naming tanungin kung anong nangyari pero wala naman daw. Ewan ko ba" dugtong pa niya.
"Kasama niya ba si Wesley?" tanong kong muli, nagaalala sa kaibigan.
"Hindi nga eh kaya nakakapagtaka. Huwebes ngayon diba?" si Hazel naman ang sumagot sa akin.
Impossible. Bakit hindi sila magkasama eh kay Wesley nakaschedule si Aliana ngayon? Kapag M-W-F kasi ay nasa amin si Aliana at kapag T-Th-S naman ay kay Wesley. Nakakapagtaka. Hindi kaya't nag-away ang dalawa?
I called my bestfriend immediately.
Noong unang dalawang tawag ay hindi nya pa ito sinasagot pero noong pangatlo ay sinagot na niya ito.
BINABASA MO ANG
A Hater's Love Story [ DonKiss ]
FanfictionOh yes, surely he have the looks, the intelligence, and the money. He actually is the most known artist in the showbiz today. He has a big fanbase. He almost have everything. Everyone loves him--- well except me. Yes, you read that right. I hate the...