Panglabing-walo

438 24 1
                                    

Iced Coffee

Its been a week since Zian's accident happened. Pumapasok na din ako sa aking training, infact, last day ko na ngayon. Bukas naman ay mag eenroll ako kasama sina Aliana.

Ang nakalipas na isang linggo ay naging napakalungkot  para sa akin. Kahit nga mga update ko sa aking storya ay nadamay sa aking kalungkutan.

Totoo nga pala yung kung kelan ka naattach sa isang tao ay saka sila mawawala, o aalis. Aaminin ko, I am not inlove with him yet, but it's like his part of my daily routine already. Hindi kumpleto ang araw ko nang hindi siya nakakausap. Nakakainis but it's like I have a crush on someone I don't even know in person.

Ngayon lang ito nangyari sa akin, siguro ay dahil iba din siya sa aking mga nakilala.  Sa loob ng mahigit isang buwan naming pag-uusap ay ipinakilala niya sa akin ang kanyang personalidad. Natiis niya rin lahat ng pagsusungit ko sa kanya, na hindi kayang tiisin ng mga nagtangkang manligaw sa akin noon.

Sadly, he ghosted me. I want to ask an explanation. Kung totoo ba lahat lahat ng pinagsasabi niya noon o trip niya lang para malaman kung sino ang author ng mga stories na binabasa niya? Bakit kasi ganoon? Bakit ang paasa? Kung kelan naman napagdesisyunan ko ng buksan muli ang aking puso.

Nakatulala akong naglalakad ng may nakabungguan ako dahilan para matapon ang iced coffee na kakabili ko lang ngayon, meron kasi akong 20 minutes break kada hapon, para sa merienda.

"Hala! Sorry miss!" paumanhin ng lalaki. I can see the sincerity on his face.

Basa ang damit ko. Pero may extra clothes naman akong pampalit mamaya kaya okay lang.

"Its okay." I smiled.

"Miss, sorry talaga. Papalitan ko na lang ang iced coffee mo. I'm really sorry." he responded

"No no its okay---"

"I insist. May I know your name?"

"Okay bahala ka. Uhm why do you need to know?" awkward kong tanong.

"Uh, para iwan ko na lang sa receptionist." sagot niya naman.

"Ay oo nga pala. Shaniella." I said then offered my hand.

"Brayden." he smiled then accepted my hand.

"Mamaya na lang ah? Sorry talaga miss. Oh wait, yung blouse mo--" pinutol ko na ang kanyang sasabihin.

"Uh its okay. I have extra blouse on my bag. Sige una na ako" paalam ko bago nagderetso sa paglalakad.

Ngayon ko lang napatunayan na medyo gumagana na ulit ang "landi cells" ko. Oo, the guy is handsome. I wonder what he is doing in our building.

I was busy reviewing the papers Ms. Leila, the one who's training me when someone knocked on the door.

"Maam Shaniella?" tawag nito, it's my mother's secretary.

"May naghahanap po sa inyo sa lobby." she said.

I checked the time, magfofour na at mag-out na din ako. Kaya naman ireready ko na ang aking mga gamit para deretso na din ako pag uwi. Sino naman kaya iyong naghahanap sa akin?

"Sige bababa na ako. Thank you." I said before fixing my things.

Nagpunta muna ako sa office ni mama to bid my goodbye at sa office ni Ms. Leila para magthank you. Dumiretso na ako sa lobby pagkatapos.

Oh, so siya pala. Akala ko ay hindi niya tototohanin ang kanyang sinabi but here he is, sitting at the couch in the lobby holding an iced coffee and a paper bag. Akala ko din ba ay iiwan niya na lang receptionist ang iced coffee ko?

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon