"La la la la la la la la" bumababa pa lang ako ng hagdan ay rinig ko na ang himig ng aking kapatid. Nagwawalis siya sa salas habang may pasayaw-sayaw pa.
"Hoy Chloe anong kagagahan yan?" nagtataka kong tanong.
"Aaaaaaa ate!!! Alam kong bitter ka kay Zian pero Aaaaaa alam mo ba?!!!!" kilig na kilig niyang sabi.
"Hindi ko alam at wala akong paki." walang ekspresyon kong sambit. Naglalakad na ako papunta sa kitchen ng magsalita siyang muli.
"Ok alam ko namang wala kang paki pero kasi ate!! Ang kilig cells ko nabuhay kasi umamin na si Risse na sila na ni Zian in real life!!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. Ano? Si Risse at Zian na? Wow. How nice. Im happy for him. Ha.Ha.
Tatlong taon na ang lumipas pero sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi man lamang nagkaroon ng official na girlfriend si Zian. Ngayon pa lamang ulit siya nagkaroon pagkatapos naming magbreak kaya naman laking gulat ko. Hindi ko maiwasang mainis sa aking sarili, bakit pa hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakahanap ng ipapalit sa kanya.
Oo, madami ang may gustong manligaw sa akin pero ni-isa ay wala akong tinatanggap. Alam ko sa aking sarili na hindi pa ako over kay Zian. I want to move on first before getting into a relationship again. Mas mabuti na yung ibasted ko sila kesa gamitin ko sila para makamove on.
I know the feeling of being hurt by someone I love so why would I make them feel the same feeling? Hindi kaya ng konsensya ko yun.
Hindi ko na inintindi ang aking kapatid at tumingin na lamang ng pwedeng kainin na nasa ref. I feel bored kaya kakain ako, tapos ko na rin naman ang mga dapat kong reviewhin ngayong araw.
Matapos kumuha ng pagkain ay bumalik ako sa aking kwarto. Agad kong kinuha ang aking cellphone para tingnan ang aking social media accounts. Binuksan ko agad ang twitter para makumpirma kung totoo ba ang sinabi ni Chloe sa akin.
Totoo nga. Eto ang kauna-unahang trending topic. Binuksan ko ang hashtag #RiAn.
@ ZianRisse
tell me how to breathe when our queen just confirmed that there is something special between her and our king!! tell meeeeEee!!! #RiAnLink: hdhwhgah/youtube.com
I opened the link stated in the tweet. It was a video of the interview of Risse sa isang talkshow.
"So may bago nga kayong movie ni Zian diba, its like your 3rd or 4th movie together?" sambit ng host.
"3rd, Tito Boy" nakangiting sagot ni Risse.
"So ayun its your 3rd movie together, sa tatlong movie nyo nang magkasama, plus the other shows, may nadevelop na ba na feelings sa inyo dalawa? Ahihihi" nagsigawan naman ang mga taong nanonood sa tanong ng host.
Kitang kita sa screen ang pamumula ng mukha ni Risse. Ngumiti ito.
"As of now, there's something special between us, Tito Boy" nakangiti niyang sagot na naging dahilan ng mas malakas na sigawan ng mga audience.
"Kinilig naman ako dun ahihihihi" reaksyon ng host at doon nagtapos ang video.
Napairap ako. Akala ko naman official na. Oh well, goodluck Risse, mas madaming magaganda sa Showbiz, impossibleng hindi ka lolokohin ni Zian.
Maganda naman si Risse, magaling din kumanta at mag-acting, I actually love her before, until napalove team sya kay Zian na siya namang hate na hate ko. Dahil dun, okay I know that this is immature but I didn't like her anymore.
Nagising ako na nasa dibdib ko ang aking cellphone. Ah shiz nakatulog pala ako. I checked the time and its 3:00 in the afternoon. Parang gusto kong maggala mag isa. Tamang tama at may bago na akong isusulat na kwento.
Ganito kasi ang ginagawa ko para makapagsulat ng panibagong kwento. Nagliliwaliw ako mag-isa para makapag-isip ng isang maganda at kakaibang plot para sa aking storya. Naging kaugalian ko na ito mula noong magsulat ako ng mga kwento sa wattpad.
Pagkabangon ay dumiretso na ako sa banyo at naligo.
I just wore my comfy white shirt with a "self love, girl" text on it and tucked it in to my highwaisted shorts. After curling the bottom of my hair, I put a natural make up on my face and I'm done! I wore my white rubbershoes and get my sling bag before I went down.
"Chloe, si mama?" tanong ko kay Chloe na nanonood ng movie ngayon.
"Saan ka punta, ate? Blooming ka ah!" puri sakin ang aking kapatid.
"Blooming ka dyan. Si mama?" ulit ko muli sa aking tanong.
"Nasa office nya."sagot nya bago ako nagderetso sa office ni mama dito sa bahay.
Just so you know, we own a publishing company. Mahilig din magsulat ng mga kwento si mama noon kaya't hindi nakakapagtaka kung kanino ako nagmana. Hindi pa nga lamang alam ni mama na nagsusulat na ako ng mga kwento ngayon kaya't ni-isa sa mga story ko ay wala pa siyang naiipublish.
May mga publishing company na nais bilihin ang aking mga kwento pero hindi ko ito basta basta ipinagbibili sa iba. Mayroon kaming sariling publishing company so bakit pa ako lalayo? Balak ko rin namang sabihin kay mama ang aking mga naisulat na kwento pero siguro ay pagkagraduate ko na lamang.
"Mama" tawag ko sa kanya.
"Hmmm?" she responded. Busy sya ngayon sa mga bagong libro na kanyang pinublish.
"Pahiram ako ng susi ng sasakyan." I said.
"Saan ka pupunta?" tinaasan nya ako ng kilay at tumingin sa suot ko. "Date?" she said in a teasing tone.
"Of course not!" agad na tanggi ko. "I'll just roam around the mall. I need to unwind bago magfinals" dagdag ko pa.
"Okay then. Ingat sa pagdadrive." paalala nya bago iniabot sa akin ang susi.
Since I am already third year college, I am allowed to drive our car already. Inggit na inggit nga sa akin si Chloe kasi siya ay 15 pa lang kaya't hindi pa siya pwede. I am already 21 and will be graduating next year. Bachelor of Arts in Creative Writing ang kinukuha ko dahil ito naman talaga ang aking hilig. Maaaring ako rin ang magmana ng aming publishing company kaya dapat ay may alam ako tungkol dito.
Pagkarating ko sa mall ay laki ng aking pagtataka dahil sa dami ng tao dito. Mukhang may mallshow pa ata. Wrong move.
Lilipat na sana ako ng mall when I hear that voice. Pamilyar ang boses na iyon dahil palagi ko itong naririnig sa telebisyon. That voice...
Ang boses na iyon ay boses ng taong nanloko sa akin. Boses ng taong hate na hate ko na love na love naman ng lahat. Siya pala ang may mallshow ngayon. Bakit ba kasi ko pinapansin ang mga poster sa labas. Psh.
Natapos ang una niyang kanta ng nakatulala lamang ako. Ngunit nagising ang diwa ko ng marinig ang sunod niyang kakantahin.
What the hell...
It's our freaking theme song!
This is my first time to be in his mall show. Hindi ko man sinasadya ay pinili kong hindi umalis dito.
"I just wanna see... I just wanna see how beautiful you are... You know that I see it"
That face.. that voice... I loved all of that before.
"I know you're a star....Where you go I follow....No matter how far"
That guy... I loved him so much before!
"If life is a movie....Oh you're the best part, oh oh oh.... You're the best part, oh oh oh.... Best part"
But no, he's not the best part of my life anymore. After what he did to me, he's the worst part.
BINABASA MO ANG
A Hater's Love Story [ DonKiss ]
Fiksi PenggemarOh yes, surely he have the looks, the intelligence, and the money. He actually is the most known artist in the showbiz today. He has a big fanbase. He almost have everything. Everyone loves him--- well except me. Yes, you read that right. I hate the...