Panglabing-apat

471 34 1
                                    

Napapatawa

"I don't deserve your love. Please love someone else and just leave me.. alone."

"Akala mo ba pag sinabi mong huwag na lang kita mahalin, basta-basta na lang yun? Ano? sasabihin ko lang sa puso ko, "Okay hindi na yan pwede, next!" ganon? Hindi yun ganun, Zayden! Hindi natuturuan ang puso! T*ng*n* naman Zayden mahal kita! at hindi ko basta basta maaalis yun sa akin!"

"You'll move on eventually. Iwan mo na ako."

"No... hindi kita iiwan, Zayden. Ang dami dami pa nating pangarap. Sa Paris pa tayo magpapakasal diba? Tapos---"

"Hindi na nga matutupad ang lahat ng yan dahil hindi na kita mahal, Katie! Naiintindihan mo yun? Hindi na kita mahal! Kaya please lang iwan mo na ako! Umalis ka na sa buhay ko!"

Bumuhos ang mga luha ni Risse habang si Zian ay walang emosyong nakatingin sa kanya. Oo, kasalukuyan akong nanonood ng RiAn movie. Eto kasing magaling kong kapatid nag-aya magmovie marathon at aba, kauna-unahang movie na pinili ay kay Zian pa.

Actually hindi naman talaga ako nanonood. Kumakain lang ako habang nag-iisip ng pwedeng scene sa story ko kaso nadala ako ng scene na to. Oh sige na, magaling silang dalawa sa part na 'to. Oh, hindi na ako hater ha.

Ayon kay Chloe, ang movie na ito ang kauna-unahang movie nilang dalawa. Malaki ang kinita ng movie na ito kaya't nagsunod-sunod na ang kanilang projects.

Well, maganda naman talaga yung story. Its a tragic one, kaya nga medyo gusto ko. Yung kwento kasi ay mahal na mahal nung guy si girl. Kaso may sakit sya at gusto nya na bago sya mawala ay makita niya ng masaya yung mahal nya. Huli na naman nung nalaman nung babae, naging sila ulit pero at the end, namatay din yung lalaki.

Its end of the month today. Bukas ay magsisimula na ako sa training ko sa company namin kaya naman sinusulit ko na ang araw na medyo may free time pa ako. Nagkayayaan nga kaming kumain nina Aliana, Hazel at Kryzz mamaya. Miss ko na din ang tatlong yun!

Natapos ang tatlong movie na pinanood namin ni Chloe nang iyak siya ng iyak. Puro tragic stories kasi ang pinanood namin. Paano ba naman, sa mga sumunod na movies ay ako na ang pumili.

"Ate hindi ko alam kung bakit napakabitter mo sa love eh hindi ka pa naman nagkakaboyfriend!" reklamo sa akin ni Chloe. May pag-irap pa ito.

Inirapan ko lang din siya.

"Ang saya saya kaya mainlove ate! Nakakakilig, nakakablooming, nakakainspire hayy." sabi pa nito.

"Sorry to say but love is not what you think. Yang mga sinabi mo? Sa una lang yan lahat. Kapag nagmahal ka, sige sa una kilig kilig pero pag nagtagal? Masakit. Sa una nakakablooming, pero pag nagtagal? Nakakahaggard kasi masstress ka sa mga away nyo! Nakakainspire? More like nakakaexpire." Pangaral ko sa kanya.

She needs to know that love in real life is so much different from love in the fiction world.

"Sus ate, kung makapagsabi ka naman parang nagmahal ka na. Hayy kelan kaya ako magkakaboyfriend?" she sighed. Aba't---

"Hoy Shania Chloe tumahimik ka diyan. You're just fifteen! Ang bata bata mo para sa mga boyfriend boyfriend na yan. Umayos ka nga!" muli kong pangaral. Jusko, naging instant mommy ako sa kapatid ko.

I don't like her to experience what I've experienced at that young age. Bata pa sya para makaranas ng sakit. I can't imagine my little sister crying because she was hurt by someone. No!

"I know right, ate! Wala naman akong sinabi na gusto ko ng magboyfriend ngayon duh! Ayoko namang unahan ka no! 21 na wala pa ding boyfriend." Pang-aasar nito. Hindi na lamang ako umimik at nagderetso na sa aking kwarto.

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon