Pangdalawampu't isa

505 37 5
                                    

You can play "I Won't Give Up" by Jason Mraz while reading. Please vote and comment your thoughts, enjoy! :))

Regrets

"Z-Zian?" halos hindi ko makapaniwalang sabi. Ni-hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa gulat.

"Eto nakakapagod, hay ang hirap talaga mag-artista."

"Eh paano kung matagal ko ng alam kung sino ka?"

"Mahal kita, Shaniella."

"Oh okay. My name is baby so just call me 'baby'. You can call me 'by' too para di naman masyadong mahaba."

"Darius talaga yung pangalan ko"

"Seryoso naman talaga ako pagdating sayo"

I tried to recall everything. So all this time, all of his jokes are true! I can't believe this!

Ngayon ko lang narerealize lahat.

Kaya siya nawala noon ng isang linggo ay dahil busy siya sa taping, at ngayon, kaya siya nawala ng dalawang linggo ay dahil sa naaksidente siya! Bakit ba hindi ko agad ito naisip? Bakit hindi ko agad nagets ang mga pangyayari? At bakit ba nakalimutan ko na alam din ni Zian ang username ko sa wattpad? Napakabobo ko!

Shit. I seriously don't say bad words but this one is just... aaaaa! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Should I run? What?!

I stepped back.

"Shan.." napapikit ako nang magsalita siya.

Damn it! My heart is beating so fast!

Hindi ako nagsalita, walang salita ang gustong kumawala sa aking bibig.

"Shan, let me explain.. please..." he pleaded. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Damn this guy! Tatlong taon na ang nakalipas pero walang nagbago sa nararamdaman ko tuwing nakatingin siya sa akin.

"Shan.. please... kahit hayaan mo lang akong magpaliwanag.. nasasayo na kung papaniwalaan mo ko o hindi.." pagmakakaawa niya pa.

Huminga ako ng malalim. He made me realize the importance of listening. I've already learn from my mistakes before. Ayoko ng maulit pa ulit iyon kaya ngayon ay pipiliin ko ng makinig sa kanyang mga paliwanag. "Okay." I said.

Parehas kameng nakatayo ngayon, nakaharap sa isa't-isa.

He sighed. "That day, when you saw me and Astrid kissing, it was an accident.." panimula niya.

"P-pwede bang umupo muna tayo?" ani ko dahil sumasakit na ang aking paa.

"Sorry sorry" sabi niya bago higitan ang silya para makaupo ako. Umupo naman siya sa harap ko.

"Kinausap niya ako noon habang naghihintay ako sayo sa lockers area, she said that she just want to talk to me, noong una nga ay tumanggi pa ako dahil baka dumating ka na ngunit nahigit niya ako papunta sa abandoned room na iyon..." pagpapatuloy niya.

"I asked her what's her problem. Sabi niya, gusto niya ako at gusto niyang maging kami. She told me to cheat on you. We argued. Sinabi kong mahal na mahal kita at maghanap na lang siya ng iba pero hindi siya tumitigil. She said that she'll do everything to break us apart but I said she can't do that, dahil alam kong mahal na mahal natin ang isa't-isa. But then after that, she kissed me. Tinulak ko siya, at doon may bumagsak na kung ano pero hindi siya nagpatinag, she kissed me again and dun mo kami nakita..."

"Huli na noong naitulak ko siya... I was so mad at her that time na gusto ko siyang saktan at pagbuhatan ng kamay pero that's not me, hindi ko kayang manakit ng babae.."

I gasped. Nanggigigil ako sa babaeng iyon!

"Noong makita kang umiiyak, hindi kita kayang tingnan. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang taong mahal ko dahil sa akin.." he sighed.

"Sinundan kita noon pero masyado kang mabilis, hindi ko alam kung saan ka nagpunta. I called you many times kahit alam kong hindi mo sasagutin.. gustong gusto kitang puntahan sa bahay niyo pero ayokong pagalitan ka ng mama mo dahil hindi niya alam na may relasyon tayo... wala akong magawa... but the day you replied to my text, I was so happy, ako na ata ang pinakamasayang tao noon... halos hindi ako matulog noong gabing yun dahil sobra akong excited na makausap ka... sobrang miss na kita noon, Shaniella..."

"But Astrid came again, trying to say sorry for what she did. She's always in the wrong timing, nakita mo na naman kami. Hinabol kita noon pero nakita kong kasama mo ang mommy mo at ang kapatid mo, wala na akong nagawa.." nakita ko ang luhang lumandas mula sa kanyang mga mata.

"Pagkatapos ng graduation, hinanap kita agad, tinanong kita kay Aliana pero galit siya sakin kaya hindi niya ako pinansin. I tried to contact you, pero nakablock na ang number ko, you blocked me too on your facebook account kaya hindi ko na alam kung paano pa ako magpapaliwanag. Sobrang nawalan na ako ng pag-asa." he continued.

Listening to his explanation made me regret   everything I did before! Napakalaki kong tanga.

"Sinubukan kong hanapin ang mga social media accounts mo pero bigo din ako.. until I remember your wattpad account. Nagulat ako na nagsimula ka na ring magsulat ng sarili mong mga kwento, I was so proud of you lalo na noong nakita kong marami ang sumusuporta sayo. Nag ipon pa ako ng lakas ng loob bago magmessage sayo, pero sadly, isang taon pa ang lumipas bago mo ako napansin.."

"Even though I'm so busy, hindi ko nakakalimutang imessage ka. I was the happiest person on earth when you replied to me. Finally, after a year! Kahit sobrang pagod ako, nawawala ang pagod ko dahil sayo, kapag magkausap tayo. Hanggang sa may taping kami noon, my manager confiscated my phone because we need to rush our shooting at hindi pwede ang distraction. Buong linggong yun, ikaw ang iniisip ko, kung kumusta ka na, kung ano kaya ang nangyari sa exams mo.. kaya noong nakuha ko ang phone ko, wattpad ang pinakauna kong binuksan..."

Ang mga luhang kanina ko pang pinipigil ay kumawala. Hindi ako makapaniwala, matapos lahat ng ginawa ko, I dont think I deserve a guy like him!

Ni hindi niya naisip na sukuan ako... I thought a perfect guy doesn't exist... but here he is, sitting in front of me.

"Noong naaksidente ako, I was drunk. Noon na lang ako ulit uminom nang dahil sa pag-uusap natin noong gabing yun. Gustong gusto ko nang sabihin sayo lahat noong gabing yun pero hindi ko nagawa, idinaan ko na lang sa inom. Sabi ko sa sarili ko, baka magkakaroon ako ng lakas ng loob kapag may alak sa aking sistema.. but I ended up being in a hospital."

I can't take this anymore. Tumayo ako at agad na lumapit sa kanya. Napatayo siya, gulat.

I hugged him. Niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy ang pag-tulo ng aking mga luha.

All this time, I thought that he deserves all my hate but I was wrong. Kung may mali man sa aming dalawa ay ako yun, dahil una pa lang ay hindi na ako nakinig sa kanya at galit lamang ang aking pinairal. Agad akong nagconclude na katulad lang siya ni daddy. I was so wrong!

"I'm so sorry" I said in between my sobs.

"It's all my fault.. napahamak ka pa dahil sa akin" patuloy ko pa.

"Hinayaan kong kainin ako ng galit, ni hindi ko sinubukang babaan ang pride ko.. I'm so sorry, Zian."

Kumalas siya aming yakap. Pinahid niya ang mga luha sa aking pisngi. "Don't blame yourself, okay? Let's start over again..." malambing niyang sabi.

"I love you so much, Shaniella Charlize. Nothing changed." he said in a very sweet tone.

I smiled to him. "I'm really sorry for not listening to you that time, sana ay apat na taon na tayo ngayon. Ang daming panahon ang nasayang dahil sa kagagawan ko. Pero sa tagal ng panahon na lumipas, wala ding nagbago sa nararamdaman ko para sayo. I love you too, Zian." I answered.

Niyakap niya ako. "You don't know how happy I am right now." he whispered.

Damn. I missed this person so much!

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon