Its our first day of Finals. Sobrang kinakabahan na ang lahat kabilang na ako. I know that I studied well pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Ito siguro ang naidudulot ng kape sa akin.
Pero hindi, kaya ko 'to. Just like what that guy in wattpad said to me last night...
zzzzi_
----- You can do it idol! Ikaw pa ba.I smiled while reading that message. Kahit papaano ay nawala ang kaba ko para sa exam bukas.
niellasha
----- Thank you so much!Habang lumilipas ang mga araw ay napapadalas ang pag-uusap namin ng taong ito. Hindi ko din alam kung bakit pero siguro'y natutuwa lamang talaga ako sa kanya. Minsan nga ay nakakapagopen pa ako sa kanya.
zzzzi_
----- Pero idol, hindi ka ba nahihirapan?niellasha
----- Nahihirapan na ano?zzzzi_
----- Na pagsabayin ang pag-aaral mo at pagsusulat ng kwento. Parang nakakapagod naman yun, idol.niellasha
----- Hindi. Kapag kasi gusto mo yung ginagawa mo, sa hanip na mapagod ka, mas lalo mo pa itong mamahalin. I love writing kaya never itong naging burden sakin. I can balance my studies and my career as an author well. Kapag stressed ako sa studies, sa pagsusulat ko lahat binubuhos ang stress ko. Kaya sa hanip na maging dagdag sa mga responsibilities ko, nakakatulong pa ito sakin para maalis ang stress.zzzzi_
----- You are really amazing. Thats why I love you.Nagulat ako sa huling pangungusap niya. Buti na lang at mabilis niya itong binawi.
zzzzi_
----- *many people loveszzzzi_
----- Sorry idol, typo lang hehe.I find him cute with that.
Huh... Wait... what?
"Shan!" bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Aliana. She's with Wesley.
"Oh ikaw pala. Hi Wesley!" bati ko sa kanila.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob? Kinakabahan ka sa exam no?" tanong ni Aliana na may kasama pang panunukso.
Umirap ako. "Obviously. Bakit ikaw ba hindi kinakabahan?"
"Syempre hindi! Nag-aral kami ni Wesley kahapon eh!" she smiled like there's no tomorrow.
"Psh. Tara na nga pumasok." aya ko. Well, sanay naman na akong magthird wheel sa dalawa.
Natapos ang lahat ng subjects for for first day of Finals ng hindi ako masyadong nastress. Iba sa aking inaasahan. Buti na lang talaga at halos naaral ko lahat ng nasa exam. Bukas pa siguro ako dapat kabahan dahil puro major subjects ang exam namin bukas.
Matapos ang aming exam ay dumiretso kami sa isang mall para kumain at maggala. It's our girls bonding today dahil sa amin nakaschedule si Aliana ngayon. Poor Wesley.
"May benefit din pala na hindi ko nasagot yung tawag ni Shaniella ano?" natatawang sambit ni Aliana.
We already talked about what happened nung isang araw pero mukhang ito ulit ang gusto nilang topic ngayon.
"Buti na nga lang, Aliana! Kundi hanggang ngayon ay wala akong kaalam-alam na ex pala ni Shan ang idol ko! I mean 80% idol ko!" sang-ayon naman ni Kryzz. Napatawa naman ako dahil pinanindigan niya talaga ang pagkawala ng 20% na nabanggit nya noon.
BINABASA MO ANG
A Hater's Love Story [ DonKiss ]
FanfictionOh yes, surely he have the looks, the intelligence, and the money. He actually is the most known artist in the showbiz today. He has a big fanbase. He almost have everything. Everyone loves him--- well except me. Yes, you read that right. I hate the...