Fangirl
"OMG!!! " reaksyon ni Kryzz sa aking kwento, samantalang si Hazel ay nakatulala lamang.
"Y-you mean... you are niellasha? " Hazel asked, still shocked.
I smiled awkwardly and nodded.
Sinabi ko na sa kanila ang lahat, tungkol sa pagiging writer ko at ang nagyari sa amin ni Zian.
"So kaya pala may happy ending na story si niellasha? Gosh! Tell me I'm dreaming! " Kryzz asked, amazed.
"Quiet please. Please dont ever let others know, please? " I requested.
"Hmm okay kahit medyo nakakapagtampo kasi huli na naman kami sa balita" Hazel said.
I sighed. "I'm sorry, hindi ko lang talaga alam kung paano ko ieexplain lahat. " sabi ko.
Sakto namang dumating ang aming prof kaya't natigil kami sa kwentuhan.
Habang nagkaklase ay hindi mawala sa isip ko ang mga trending na pictures at balita ngayon. Bakit hindi man lang namin nahalata na may sumusunod sa amin?
Lutang na lutang ang aking isipan, alam na kaya ni Zian ang mga nangyayari? Kumusta kaya siya?
"How about you, miss? " rinig kong tanong ng aming prof.
"Miss? "
"Huy Shan---"
"Ay Zian! " gulat kong sambit.
Nagtawanan ang iba kong kaklase na nagpapula ng mukha ko sa sobrang hiya.
Napatingin ako sa professor namin.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you seriously daydreaming about Zian in my class? " mataray nitong tanong sa akin.
I just looked down. Sobrang nakakahiya. "Sorry miss. " I said.
"Go introduce yourself, Ms. Fangirl. " our prof said that made me blush even more. Nagtawanan pa ang iba kong kaklase!
Sobra sobrang kahihiyan 'to!
Matapos ang oras na yun ay agad akong tumayo para lumabas, nakasunod naman sa akin ang aking mga kaibigan. Malapit na ako sa pintuan ng hinarangan ako ng apat na babae, na mga kaklase ko din.
"Hi Shaniella! Fangirl ka din ni Zian diba? You can join in our fansclub! " maligayang sabi ng isa sa kanila, if I remember it correctly, Carley ata ang pangalan niya.
I smiled awkwardly. "U-uh no, no thanks." pagtanggi ko.
"Ay sayang naman! May iba ka na bang fansclub na nasalihan? Naku! Mas maganda ang mga benefits sa fanclub namin, pede mo mameet at makasama si Zian! " pagmamalaki ng isa pa sa kanila.
Magsasalita na sana ako nang tumunog ang cellphone ko.
Kryzz:
Mag-oo ka girl. Trust me mag-oo ka.I sighed. "Okay sige.. "
"Yey! That's good! We swear, magiging masaya ang fangirling life mo when you're with us! "sabi ng isa pa.
"Ako din pasali! Fangirl din ako ni Zian! " sayang saya na sabi ni Kryzz. Si Hazel at Aliana ay napailing na lang.
"Okay then! "
Kinuha ng isa sa kanila ang kanyang phone at iniabot ito sa amin. "Pakilagay na lang ng name nyo sa twitter para maiadd namin kayo sa gdm. " sabi nito.
...
"Kasi diba girl, if you're part of their groupchat, malalaman natin ang thoughts nila tungkol sayo plus hindi din sila maghihinala na ikaw ang girlfriend ni Zian since alam nilang fangirl ka lang din. " si Kryzz, habang ineexplain kung bakit tama ang ginawa kong pagsunod sa kanyang text kanina.
May point naman siya.. pero hay... alam kong masasaktan lang ako sa mga sasabihin nila tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
A Hater's Love Story [ DonKiss ]
FanfictionOh yes, surely he have the looks, the intelligence, and the money. He actually is the most known artist in the showbiz today. He has a big fanbase. He almost have everything. Everyone loves him--- well except me. Yes, you read that right. I hate the...