Una

727 20 10
                                    

"Let us welcome, Zian Carellega!"

Napairap ako sa narinig sa aming telebisyon.

"Patayin mo nga yang tv, Chloe!" sigaw ko sa aking kapatid na siyang nanonood ng TV ngayon, tila kilig na kilig pa.

"Eh bakit ba ate? Inaano ka ba ni Zian ko?" angal naman ng kapatid ko. Napasapo na lang ako sa aking noo at minadali ang merienda na aking ginagawa.

"So kumusta ka naman ngayon Zian? Balita namin ay may bago kang irerelease na movie?" rinig ko na sinabi ng interviewer kay Zian.

"Okay naman po ako. Opo. Gusto ko po sana kayong imbitahan na manood ng bago kong movie, kasama ko po dito si Risse dela Vega---" kasabay ng pagbanggit ng pangalang iyon ay ang pagsigaw rin ng mga tao sa TV, maging ang aking kapatid.

Lalong nag-init ang aking ulo. "Chloe kapag di mo hininaan yang TV hindi talaga kita papatikimin nitong ginagawa ko." banta ko sa aking kapatid, agad naman din itong sumunod.

"Oh ayan ate okay na? Napakabitter mo talaga kay Zian kahit kelan! Bakit ba kasi hate na hate mo siya?" pag-angal muli ng aking kapatid. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lamang sa ginagawa.

Hindi alam ng aking pamilya ang tungkol sa amin ni Zian noon. Bawal pa kasi akong magboyfriend noon dahil senior high school pa lamang ako. Kaya naman labis ang pagtataka ng aking kapatid kung bakit ganun na lamang ang galit na nararamdaman ko kay Zian gayong siya ay fan na fan nito.

Oo, I admit. It's been three years but the pain and the hatred is still there. Hindi ko alam kung kelan ko siya mapapatawad pero sigurado  ako, hindi pa ngayon. Hindi kami nagkaroon ng closure. Palagi akong umiiwas noon dahil ayaw ko siyang makausap. Pakiramdam ko'y masasampal ko lamang siya ng paulit-ulit kung magtatagal siya sa aking harapan.

Naalala ko noong matapos ko siyang makitang may kasamang iba.

I immediately called Aliana while going out of school. Sinagot naman agad niya ito at tinanong sa akin kung ano ang nangyari dahil narinig niya ang aking mga paghikbi. Agad niya akong pinuntahan sa kung nasaan man ako at isinama na lamang sa lunch date ng kanyang pamilya. Hindi rin naman ako iba sa kanila kaya't natuwa pa ang kanyang mga magulang na kasama ako ngunit nag alala rin nang mahalatang galing ako sa pagkakaiyak.

Matapos ang pagkain ay dumiretso kami sa kanilang bahay para kumuha ng gamit si Aliana dahil nga sa plano naming sleep over. Buong byahe ay nakatulala lamang ako, iniisip na sana panaginip lamang lahat ng nangyari.

Sobrang sakit. Ganito pala yung pakiramdam. Sobrang bigat na ang tanging nagagawa ko na lamang ay ilabas gamit ang pag-iyak. Alalang-alala si Aliana sa akin kaya't naging mabilis lamang ang kanyang pagkilos para makauwi na agad kami sa aming bahay. Niyakap ako ng kanyang mga magulang para icomfort bago kami umalis.

Tanging si Aliana lamang ang napaglabasan ko ng nararamdaman noong gabing iyon. Hindi ko pwedeng ipahalata kina mama ang sakit na nararamdaman ko dahil bawal pa akong magkaroon ng kasintahan. Kaya't tanging si Aliana lamang ang kadamay ko.

Halos maubos ang aking luha sa pag-iyak, ang taong una kong minahal, ang taong akala ko hindi ako lolokohin, ang taong nagpapasaya sa akin ay nawala dahil sa isang kataksilan. Ang hirap tanggapin. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Muling tumunog ang aking telepono. Si Zian iyon. Lampas dalawampu na ang kanyang miscall at napakarami na rin niyang text ngunit hindi ko siya sinasagot. Pinipigilan ko ang aking sarili. Kinuha ni Aliana ang aking cellphone at sinet ito sa airplane mode.

"Ang manlolokong tulad niya ay hindi na dapat kinakausap pa." inis na sabi ni Aliana. Galit na galit siya. Hindi rin daw niya inasahan na kaya iyong gawin ni Zian sa akin.

Maya-maya pa ay kumatok si mama sa aking kwarto para imbitahan kaming kumain. Agad kong inayos ang aking sarili bago bumaba.

"Oh anak, Aliana, kain na kayo dito oh" malambing na sabi samin ni mama at inanyayahan na umupo. Tumungo naman kami doon ni Aliana.

"Anak anong nangyari sa mata mo? Bakit pugto?" Mapanuring tanong ni mama.

"Ah.. eh.." nawalan ako ng sasabihin.

"Nanood po kasi kami ng movie netong si Shaniella tita. Hindi ko naman po inexpect na sobrang iiyakan niya po yung movie." palusot ni Aliana. Tumawa pa ito ng bahagya.

Tumango naman si mama at nagpatuloy na lamang sa pagkain. "Ahhh iyakin pala si ate" panunukso naman ni Chloe. Umirap na lamang ako at minadali na din ang pagkain.

Bago kami matapos sa pagkain ay naitanong ni mama ang tungkol sa nalalapit naming graduation. Oo, malapit na kaming gumraduate kaya naisip ko na mas magiging madali ang paglimot ko kay Zian. Isang linggo na lamang at magtatapos na kami ng Senior High School. Napabuntong hininga na lamang ako.

Matapos ang diskusyon ay umakyat na kaming muli sa kwarto. Doon, muling tumulo ang aking mga luha at nagpatuloy sa paglalabas ng galit na nararamdaman ko. Ang dapat na masaya na gabi kasama ang aking bestfriend ay nauwi sa isang gabing puno ng iyakan.

Naging mahirap ang panibagong linggo para sa akin. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Zian kung sakaling makita ko ito. Hindi pa ako handang makausap siya. Aminin ko man na namimiss ko siya ay hindi ko maaaring paganahin ang aking karupokan.

Tuwing sinusubukan niyang lumapit sa akin ay agad akong umiiwas. To the rescue din agad sa akin si Aliana.

May mga nagtatanong na din sakin kung break na daw ba kami ni Zian dahil hindi na daw nila kami nakikitang magkasama. Hindi na lamang ako sumasagot.

Wala akong ginawa noong buong linggong iyon kundi ang umiwas. Gustuhin ko mang marinig ang kanyang paliwanag ay alam kong sarado pa ang aking isip. Hanggang sa kinabukasan bago sumapit ang aming Graduation Day ay nakatanggap akong muli ng text galing sa kanya.

Zian:
Shan please. Kahit for the last time kausapin mo naman ako.. gusto ko lang magpaliwanag. Please Shan, mahal na mahal kita.

Hindi na ako nakatiis. Nagtipa ako ng irereply sa kanya.

Ako:
Sige. Mag-usap tayo.

Agad din naman siyang nagreply.

Zian:
Salamat, Shan. Bukas before our graduation ceremony. Lets meet at the cafeteria. I love you so much, Shan. Im so sorry.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi. Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin.

Kinabukasan ay kabado akong nag-ayos para sa aming Graduation Day. Gusto pa ngang kumuha ni mama ng mag-aayos sa akin ngunit sinabi ko na kaya ko ng ayusan ang aking sarili. Masaya naman ako kahit papaano na gagraduate ako ng With High Honors ngunit hindi ko mapigilang kabahan para sa mangyayaring pag uusap namin ni Zian mamaya.

Nang makarating kami sa school ay nagpaalam ako sa aking mga magulang na may pupuntahan lang saglit. Agad naman akong nagtungo sa cafeteria.

Habang naglalakad ay halos lumabas ang aking puso sa lakas ng pagkabog nito. Nang makapasok ako sa cafeteria ay iginala ko ang aking mata at napako ang aking paningin kay Zian.

Akala ko kahit papaano ay magkakaroon na kami ng closure ngunit mali pala ako.

Nakita ko si Zian na kausap si Astrid. Hindi ko alam ang kanilang pinag uusapan dahil malayo ako sa kanila. Nanlabo ang aking paningin at agad na tumalikod. Nasagi ko ang ilang upuan na nagdahilan ng ingay kaya't napansin ako ni Zian.

"Shan!" tawag nito sa akin ngunit hindi ako lumingon at nagderederetso na lamang sa paglalakad.

"Ate matagal pa ba yan? Takam na takam na ako oh" nakangusong tanong sakin ni Chloe. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang aking pagfaflashback.

"Eto na po maam" sarkastiko kong sagot bago ihain ang ginawa kong cookies.

I looked in the TV. "Ang panget." sambit ko bago ilipat ang chanel na agad namang ikinainis ng aking kapatid.

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon