Panglabing-isa

486 24 4
                                    

Back

I woke up at 11:30am, dala na rin siguro ng pagod kaya napasarap ang tulog ko. Kahit gising ay pinili kong mahiga pa sa kama. Kasalukuyan akong nakikipagtitigan sa kisame, nag-iisip kung ano ang mga bagay na gagawin ko ngayon.

Matapos ang medyo malalim-lalim na pag-iisip, naisipan ko ng bumaba. Naabutan kong naghahanda si manang ng tanghalian. Nasaan kaya si mama?

"Manang nasaan po si mama?" I asked.

"Nasa office nya sa company nyo ngayon, Shaniella." sagot naman niya, busy sa pagluluto.

"Gutom ka na ba? Hindi ka pa nga pala nag-uumagahan. Teka at mabilis na lamang ito." pag-aalala niya.

"Hindi pa naman po gaano manang. Si Chloe po?" sabi ko naman.

"Ah si Shania, andyan sa kapitbahay. Ipapakita ata yung picture nila ng idol niya dun sa kaibigan niya." sagot nyang muli. Hay nako ang batang iyon talaga.

Nang matapos magluto si manang ay tinawagan ko si Chloe para sabay kaming kumain. Nagtatakbo naman ito pabalik sa aming bahay.

Habang kumakain ay napatanong ito sa akin.

"Ate, sa nangyari kahapon, like sa napanood mo, hindi ka pa rin ba fan ni Zian?" she asked with full of curiousity on her face.

"Hindi." I answered emotionless.

She sighed. "Hayyy hindi effective." bulong niya ngunit sapat na ang katahimikan para marinig ko.

"Effective ang alin?" pagtataka ko.

"Huh? N-nothing ate." ani niya at saka pinagpatuloy ang pagkain.

Ipinagpasawalang bahala ko na lang din at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay tumaas ako sa aking kwarto para tingnan ang aking cellphone.

Pagkabukas ko nito ay nagulat ako sa mga text ni Hazel at Kryzz. Oo nga pala! Pupunta nga pala kami kila Aliana. I checked the time they texted at nakitang kanina pa iyong 10 am. It's almost 12:30.

Tinawagan ko si Kryzz.

"Hoy babae kanina pa kaming text ng text sayo bakit hindi ka nagrereply?" panimula niyang bati.

"Sorry sorry! 11:30 na ako nagising at ngangayon ko lang nacheck ang phone ko. Andiyan pa ba kayo?" paumanhin ko naman.

"Oo pero paalis na rin. Medyo okay na daw siya eh at saka she wants to be alone daw muna" sabi naman ni Kryzz.

"Okay good to know. Hindi na lang din muna ako pupunta." sabi ko.

"Hindi ka talaga pupunta kasi pupuntahan ka namin diyan! We miss your house already kaya magready ka na!" Energetic nitong sabi. I was surprised. Hindi pa ako naliligo!

"Mga gaga hindi pa ako naliligo!" reklamo ko naman.

"Mamaya ka na maligo pagkadating namin. Papunta na kami bye bye!" Kryzz said before ending the call.

Dali-dali akong bumaba para tingnan kung maayos ang sala. Kakalinis lang din pala ni manang dito. Sinabihan ko naman si manang na maghanda ng merienda para sa amin maya-maya. Umoo naman ito.

Naghihintay ako sa salas ng marinig ang doorbell. Nagpunta naman ako sa aming gate para pagbuksan sila. May dala palang sasakyan si Hazel kaya pinapasok ko na rin sa kanya ang kaniyang sasakyan.

Nang makapasok ay feel at home na feel at home ang dalawa. Siguro ay namiss talaga nila dito. Pinataas ko sila sa aking kwarto dahil sabi ko'y liligo muna ako. Naghahanda ako ng susuotin ko ng biglang...

A Hater's Love Story [ DonKiss ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon