PROLOGUE
"Micka! Oh my God! Tanggap tayo bilang volunteer!" Napatingin ako kay Trisha nang magsalita sya, nakatingin sya sa phone nya.
Kumabog ng sobrang lakas ang dibidib ko kasabay nang panlalaki ng mga mata ko.
Oh my God! Tanggap kami! Geez! Tanggap kami! Matutupad ko na ang pangarap ko bilang isang fangirl! Sino ba namang hindi? Hello?! Ang makita ang sariling idol naming mga fangirls and fanboys ang tanging pangarap namin.
Pag nangyare yon, pwede na talaga akong matulog ng one whole year.
Nag register kasi kaming dalawa bilang isang volunteer para sa dadating na concert ng Paint It Black dito sa pilipinas.
Geez! Napaka-swerte naman namin! Kaylangan kong mag-ayos ng maigi!
"Oh sya! Maaga tayo bukas ha? Matulog ka ng maaga para di tayo ma late! Geez! Wala pa pero kinikilig na agad ako! This is our chance, Micka!"
Hindi ko sya pinansin atsaka ako nagtalukbong at nagpapapadyak.
Hindi pa rin nagpa-process sa utak ko ang lahat! Ibig sabihin ba nito makakalapit na ko sa kanila?! May chance kaya na makausap ko kahit ang isa lang sa kanila? K-Kahit... Kahit si Jaydee lang.
Posible naman di ba?
Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.
I am Mickaella Vergara, at dito nagsimula ang lahat.
---
PS: This is important!
---
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanfictionThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed