Pretend
Mickaella Vergara
"Uhm. Dee?" Pagtawag ko sa kanya.
Nandito na kami sa parking lot ng bahay nya, pero di pa rin ako bumababa.
Hindi ko pa kasi nasasabi yung kaylangan kong sabihin.
"Why?" Tanong nya.
Napalunok ako.
"K-kasi ano. Uhmm. M-may news na lumabas---" Agad nyang pinutol ang sasabihin ko.
"About Reinz and you?"
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
"A-alam mo na? W-wait! Hindi yon totoo---"
Agad nya namang hinawakan ang kamay ko.
"I know. Don't worry. Sasabihan ko si Reinz na bawiin nya yung sinabi nya, magpa-patawag ako ng media---"
"H-ha?! Wag!" Napakunot noo naman sya sa sagot ko.
"Why? Don't tell me---"
"H-hindi! Mali! Mali yang ini-isip mo! Kasi ganito yan. Hayaan na lang natin yung news---"
"What the hell?! No---"
"Jaydee listen. Sikat kayong Paint it Black. Masisira yung career nya pag-nalaman ng lahat na nagsinungaling sya. Masisira yung grupo nyo. J-Just let it be. Hayan na lang natin. Alam naman nating hindi yon totoo. Please Jaydee."
Napahilamos naman sya sa mukha nya na akala mo stress na stress.
"Fuck! Fine... Damn!" Agad ko naman syang yinakap.
"I know you'll understand."
***•••***
"Uy magkasama pala kayo? Anong oras na ha? 10:15 pm na. San ba kayo galing?" Bungad na tanong samin ni Kuya.
Inirapan ko naman sya.
Yep. Gabi na kami naka-uwi ni Jaydee. Wala naman kaming ibang ginawa kundi mag-kwentuhan, kumain at mamasyal.
And that's really memorable.
"Si Mae?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan, kasama ata si Vixen. May sched sya ngayon sa modeling." sabay upo nya sa sofa katabi si Jaydee.
Tinanguan ko lang sya sabay akyat ko sa rooftop.
Then I saw him.
Nakaupo lang sya habang nakatingin sa ulap.
Kung nauna lang sana kitang nakilala.
Agad akong tumabi sa kanya.
"I'm sorry. Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"It's okay. I understand." Sabi nya sabay ngiti sakin.
"Uhm. What now?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ow. About sa news, sorry talaga. Hindi ko inaasahan na kakalat yon. At hindi ko rin alam kung bat ko nasabi yon that time. I hope you forgive me." Umiwas sya ng tingin sakin staka sya napa angat ng tingin sa madilim na langit. "Actually ngayon-ngayon lang nalaman ko na... Na k-kayo na ni Jaydee. And I am really sorry. Ayokong maka-gulo sayo. All I want is for you to be happy. Kaya magpapatawag ako ng media---"
"Don't." Hinawakan ko yung isa nyang kamay.
"Thank you. Na-appreciate ko lahat-lahat ng sinabi mo. Na-appreciate kita. Thank you for loving me. But Reinz like what I said before, h-hindi talaga pwede. Maybe I'm not the right person for you, for your future. Wag mong sayangin ang oras at araw mo para sakin. Cause I'm not worth it. I'm not."
Ngintian ko sya ng sobrang tamis bago simulan ang susunod kong sasabihin.
"Palaguin mo pa yung career mo. Kaya mo yun. At wag ka ng magpatawag ng media para magpaliwanag. Nakapag-usap na kami ni Jaydee. Masisira ang career mo pag-nalaman nila na nagsinungaling ka. Hindi lang ikaw yung masisira, pwede rin ako at yung buong Paint it Black." Huminga ako ng malalim bago sya tintigan sa mata.
"Ang tamang gawin ngayon ay hayaan na muna ang lahat. Just relax. Go with the flow na lang muna tayo. As long as alam naman natin yung totoo, wag na lang tayong magpapa-apekto. And I think mas magiging maganda yung career mo sa pagdating ng fans natin. Biruin mo yon. Nagkaroon agad tayo ng mga fans. Na-isip ko rin na pwede rin tong simula ng career ko. Balak kong mag-modeling, umarte at bumuo ng banda. And it's a good start for my career. You'll help me. And I'll help you. We will help each other." Mahabang paliwanag ko.
Kung iisipin para kaming nag gagamitan, pero di ba ganon naman kadalasan ang mundo ng showbiz? Hindi ka aangat ng mag-sa. May hahatak at hahatak talaga sayo paangat.
Mas maganda sigurong sabihin na tulungan hindi gamitan.
Mag kaibigan naman kami.
Ngumiti sya ng malungkot sakin.
"Pano ako hindi mahuhulog sayo? Jaydee is really lucky to have you."
"No. I am more than lucky to have him. Oh sya, magpanggap na lang tayo na mukhang may relasyon talaga tayo pag nasa labas. Magpanggap lang tayo na sweet sa isat-isa pag-alam nating may makakakita at kapag tayo lang namang dalawa o kapag tayong tatlo lang ni Jaydee okay lang na magpaka-totoo tayo. Basta itong sikretong eto ay para sating tatlo lang ha?"
"Okay. Thank you. You're such a living angel for me." Tsaka nya ko yinakap.
At syempre ginantihan ko rin sya ng yakap.
***•••***
Days past at tapos na rin ang graduation ko.
Sa nagdaang araw wala pa naman masyadong ganap. Medyo naging peaceful ang life ko.
Except nga lang sa fact na ang alam ng lahat ay kami na ni Reinz. Even my friends and my family yun ang pagkaka-alam.
Kalat na sa buong bansa ang news pero hindi pa nako-confirm dahil hindi pa naman kami nagpapatawag ng media. And this is the right day.
Mamaya, aamin na kami sa lahat na ako at si Reinz ay officially in a relationship na.
Sa nagdaang araw hindi na ulit nag-paramdam si Daili sakin. I tried to contact him pero wala. Walang sumasagot kaya hinayaan ko muna.
Medyo okay na ko sa family ko. Na-isip ko na wag muna silang pilitin na sabihin sakin ang totoo. Ayokong ma-pressure sila ng dahil lang sa curiosity ko. I know may enough reason naman sila.
Sa mga friends ko naman lagi kaming magkakasama at tumatambay sa bahay ng isat-isa. At sobrang saya nilang kasama.
Yung samin naman ni Jaydee. Sobrang saya, kahit patago lang yung relasyon namin natatawid pa rin namin. Hindi nababawasan yung sweetness namin sa isat-isa, actually nga nadadagdagan pa ih. Yun nga lang sobrang seloso nya lalo na saming dalawa ni Reinz. May mga times kasi na kaylangan naming maging sweet ni Reinz sa isat-isa pag may ibang tao. Kaya yon.
After ng interview namin mamaya sa media. Maaga naman akong gigising bukas para masundo yung mga ka-banda ko.
And this is it! Bukas na rin kami pipirma ng kontrata para sa banda! And there's more! Pumayag sila Mama na bumili kami ng apartment ng mga ka-banda ko na titirhan nila at syempre pupunta ako don lagi! Si Jaydee lang naman ang hindi sang ayon don.
At sa susunod na araw dalawang kontrata pa ang pipirmahan ko. For my acting and modeling. Oh my gosh! I'm so excited!
Alam na ng lahat na sasabak ako sa modeling, band and acting kaya lalong dumami ang taga-hanga ko!
Todo support ang fans namin ni Reinz!
At ganon din ang mga fans ko!
I hope na maging successful ang career ko!
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanfictionThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed