Fangirl Noticed 3

359 88 25
                                    


Mikaella Vergara

"Ella, kakain na."

"Ayoko nga. Busog ako." Sambit ko ng pang sampung beses.

Ilang beses ko bang sasabihin sa kanila na busog ako? Tsk.

"Alam mo kasi Ella, kapag hindi ka pa lumabas diyan si DJ na ang pupunta dito. Kung ako sayo, hindi ko na aantaying mangyare pa yon." Napa-upo ako.

Ano bang pake ko sa DJ nila? Si Jaydee nga walang pake sakin ih.

Wait up.

Jaydee... DJ... Jaydee... DJ. Geez! Bakit ngayon ko lang na gets?

Napahinto ako sa mga iniisip ko nang biglang makarinig ako ng katok. Napatayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad agad sakin ang walang emosyong mukha ni Jaydee.

"Vince didn't tell me that you're a hardheaded young girl. Alam mo bang management ng pamilya mo ang nagpasok sakin sa showbiz? I can stand now on my own but still, malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo kaya hanggat maaari gusto kong makatulong sa pamamagitan mo." Napahinto sya staka mariin akong tinitigan sa mata.

"Kaya pwede ba makinig ka naman sakin? As I can see, you don't like me. I mean hindi ka isa sa mga fans ko. But I don't care. Hanggat nandito ka sa bahay ko susunod ka sakin. Ngayon bumaba ka na at kakain na tayo." Mahaba at seryoso nyang sambit.

Di mo talaga makikitaan ng kahit konting biro sa kanyang mukha. Galit ba sya? Saglit. Management ng pamilya ko ang nagpasok sa kanya? Bakit di ko to' alam? Sabagay, ano bang alam ko sa work at company na hinahawakan nila Mama?

"Bakit ba ang kulit nyo? Sabi ng busog ako. Kayo na lang ang kumain. Tsaka kayo ba yung magugutom kapag di ako kumain? As if naman connected tayo." Sagot ko.

And swear, I really don't know where my words came from! Remind me to cut my tongue later.

"Why not? Pwede ka namang maki connect sakin. Anytime." Sagot nya sabay ngisi.

Napalunok ako.

Sa gitna ng ka kornihan ng sinabi nya ay dumaloy pa rin sa pagkatao ko ang kaba.

Come on Ella. Wag kang papadala sa mga salita nya at kahit sa ngisi nya.

"W-Walang connection! M-Mahina yung signal! K-Kaya umalis kana at hindi ako kakain!" Pagmamatigas ko.

Tip # 1: Sa gitna ng kahihiyan, idaan na lang sa biro.

Sa ganung paraan, maliligtas ang dignidad mo.

Napa-atras ako nang unti-unti syang lumapit sakin. Hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko.

"Wag mong hintaying mapuno ako Ella." Seryosong sambit nya. Napalunok ako sabay kurap-kurap ko.

"Bakit ba?! Kumain kayo don kung nagugutom na kayo! Mamaya pa ko kakain pag-nagutom na ko!" Sigaw ko sa kanya.

Geez, napipikon na ko.

Lalo nyang inilapit ang mukha nya sakin at halos maduling na ko sa sobrang lapit nya sakin!

"Kakain ka o kakainin kita?" Napalunok ako.

Geez! B-Baliw ba sya!? K-Kakainin nya daw ako?! Yuck! What the heck?! Ano ba tong iniisip ko?! NO! ERASE! ERASE! ERASE!

"You! Jerk!"

Napa-takbo ako sa baba.

Mga demonyo ata yung mga kasama ko dito!

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon