Understood?
Mickaella Vergara
"Ano yang suot mo?" Masungit na tanong ni Jazer.
Napakunot noo naman ako.
Anong masama sa maong short at sleeveless na croptop? Pinatungan ko naman yon ng denim.
"Ano ba Micka? Ginagago mo ba ko? Kita yang legs at tyan mo."
"Oh eh ano?! Nag mo-model nga ako na naka two piece ih." Wala sa sariling sabi ko sabay kuha ng sling bag ko sa couch.
Agad nya namang nahawakan ang braso ko.
Napalingon ako sa kanya.
Hala ka, galit na talaga sya.
"Hindi na kita pinigilan jan sa modeling mo, kahit masyado ng revealing yung mga pinagsusuot mo don. Kaya ngayon mag palit ka na." Ma-otoridad na sabi nya.
Napanguso naman ako.
"Jazer..."
"Magpapalit ka o aantayin mo pang ako ang magpalit sayo? Wag mo kong subukan Micka, gagawin ko talaga." Tinabig ko naman ang kamay nyang nakahawak sakin.
"Fine! Tsk!" Sabi ko sabay pasok sa kwarto ko.
Nagpantalon na lang ako at off shoulder na croptop and sa paa naman stiletto ang gamit ko.
Pagbaba ko, pinasadahan nya naman ako ng tingin.
Tinaasan ko naman agad sya ng kilay.
"Ano?! " Mataray na sabi ko sa kanya.
"Baby, hindi mo ba isusuot yung denim mo? Look oh! Yung shoulder and collar bone mo na e-expost oh!" Tinarayan ko sya sabay kuha ng sling bag ko.
"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa kanya.
***•••***
"And... Cut! Very good everyone, especially to our main cast. Ms. Vergara and Mr. Castillo. Ow before I forgot, halikayong lahat dito. Mag si lapit kayo may announcement ako." Sigaw ni Rolly, yung bakla naming director.
Agad namang hinawakan ni Jazer ang bewang ko at inalalayan ako papunta kay Direct.
Hindi ko sya pinansin.
"Okay, aware naman kayo na yung next scene natin ay yung pinaka-aabangang part ng pelikula di ba? So ganito yan, marami kasing nagbago sa set natin. Imbis na sa Germany yung next scene natin, na bago na." Agad na nagsi-pag react yung mga staff at iba pang artistang kasama namin.
Marami kasi sa kanila ay pangarap na makapunta sa Germany, sabagay sayang nga naman.
"Wait lang, wag muna kayong magreklamo. Ano ganito yan, malilipat yung next scene natin sa Philippines." Agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Anudaw? Tama ba ko ng narinig? Philippines daw?!
"Bakit po? Na out of budget na po ba tayo?" Tanong ng isang staff.
"Grabe ka naman sa na out of budget. Malaki ang ginastos ko para sa paglipat natin ng set sa Philippines ha!" Sagot ng direktor namin.
Hanggang ngayon hindi pa rin nag po-proseso sa utak ko yung narinig ko.
Naramdaman ko naman ang paghigpit ng kamay ni Jazer sa bewang ko.
Alam ni Jazer ang nangyare sakin sa pilipinas. Wala akong tinago sa kanya, lahat kinwento ko, lahat alam nya.
"Bakit po nalipat?" Tanong ng isang staff namin.
"Ganito kasi yan, bukod sa dun tayo galing lahat ay may madadagdag na cast satin!" Masayang sabi ni Direct.
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanfictionThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed