Fangirl Noticed 33

199 32 12
                                    

First date

Mickaella Vergara

'Sino ba sya?'

'Bat sya naka-mask?'

'Oh my gosh mukhang gwapo ha.'

'Artista ata.'

Napa-irap na lang ako sa sunod-sunod na bulungan ng mga tao sa paligid namin.

Nandito kami sa park malapit sa village nila Jaydee.

Onti lang naman yung mga nandito pero, anchi-chismosa ih.

Hindi na lang namin yon pinansin at umakyat na lang kami sa medyo mataas na side dito sa park.

May mga puno doon pero hindi naman marami. Sa side kasi na yon walang masyadong tao tas malilim pa, pero maaliwalas at maganda.

Nang maka-akyat kami inatak ako ni Jaydee sa isang puno at umupo kami sa lilim non.

Luminga muna ako sa paligid kung may mga tao pero onti lang naman at medyo malalayo na sila.

Lumapit ako kay Jaydee staka ko tinggal yung cap at mask nya.

Shems! Pinagpawisan sya!

Napalunok na lang ako, ang hot shems!

Kinuha ko na lang yung panyo ko sa sling bag ko tsaka ko ito dinampi-dampi sa mukha nya.

Oww shocksss!

Kung ganito lagi kalapit ng mukha nya sakin? Di ko nalang alam kung makakahinga pa ko ng maayos!

Ang gwapo!

Bat ngayon ko lang kaya na-appreciate yung mukha nya?

Ang gwapo!

Almost perfect!

Sa mata nya.

Sa ilong.

Sa pilik mata.

Sa pisngi nya.

Putspa pati yung jaw line nya! Ang hot!

Lalong-lalo na yung mga labi nya---

Nagulat ako ng bigla syang ngumisi.

"Done checking me baby?" Mapang-asar na tanong nya.

Sa sobrang pagkapahiya ko ay nilamukos ko na lang yung panyo ko sa mukha nya, pero nakaka-irita kasi tawa pa rin sya ng tawa.

"Tsk bwiset ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Pfft--- I'm sorry baby." Inirapan ko lang sya tsaka ako lumayo nang kaunti. "Hey. Come here."

Di ko sya pinansin at sumandal na lang ako sa puno staka ako pumikit.

Nagulat ako ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko.

Nang idilat ko yung mata ko, nakangiting mukha ang bumungad sakin.

Lalo pa kong nagulat ng ihiga nya yung ulo nya sa legs ko.

Nakahiga sya pero yung legs ko yung inuunan nya.

Habang yung isang kamay ko naman pinaglalaruan ng dalawa nyang kamay at yung isang kamay ko naman nasa buhok nya.

Anlambot ng hair!

Napangiti na lang ako sa pwesto namin. Mukha kaming couple na years na ang tagal.

But in fact kahapon lang naging kami.

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon