Fangirl Noticed 8

303 75 16
                                    


Mikaella Vergara

"Kamusta yung lakad mo kanina?" Biglang tanong ni Reinz habang kumakain kami.

Si Jayde yung parang pwesto lagi ng mga tatay, nasa dulo, gitna ng hapag. Habang nasa gilid nya ko at katabi ko si Reinz na katabi din si Vixen. Katapat ko si Ace na katabi rin si Jaydee at Razzel.

Tumingin muna ako kay Reinz bago sya sagutin.

"Ayos naman." Tipid na sagot ko.

"What's the problem?" Seryosong tanong sakin ni Jaydee.

Problema? Ako may problema?

"Yah Ella. You look so pale. May sakit ka ba?" Sabay hipo ni Reinz sa noo ko na ikinagulat namin kaya napausog agad ako.

"Tsk." Rinig kong singhal ni Jaydee.

"Hehe. Okay lang ako." Nahihiyang sagot ko. Sa bahay talaga na to, natututo akong maging pipe, buset.

"Grabe Ella. Ang sarap ng mga luto mo. Kaya ka pala nalate sa concert namin. Ang effort mo naman." Ngiting-ngiting sambit ni Razzel.

Agad akong napangiti.

"Salamat." Sagot ko.

"Razzel, yung task mo. Ikaw nang bahala sa media about Ella." Utos ni Jaydee.

"Yup!"

Agad akong napailing.

•••

Ace Xander

Posible kaya yon?

Kamukhang-kamukha nya yung hinahangaan kong babae hanggang ngayon.

Hayst... Nasan na kaya sya?

Tulad ni Jaydee. Hinahanap ko rin yung siya kaso pano ko magagawa yung paghahanap sa kanya kung sa simpleng pangalan lang nya ay hindi ko alam.

Yah! Hindi ko lang sya basta hinahangaan. Sya yung unang babaeng minahal ko. Ang unang babaeng minahal ko except kay Mom of course. But now, I don't know where she is.

Ang baduy kung iisipin pero pag nawala na sayo dun mo palang malalaman yung worth.

Araw-araw ko syang pinadadalhan ng sulat noon nung nag-aaral pa ko sa school. Same school kami noon. Kaso ngayon home study na kami. Kaya nagulat na lang ako nang malaman kong nag-transfer na pala sya. Kasabay non ang biglang pagtahimik at pagiging cold ni Jaydee.

Kainis, ni hindi ko man lang nalaman o natanong ang pangalan nya. Pero pinangako ko na pag-nahanap ko sya. Hindi ko na sya papakawalan.

Pero di ko maiwasang hindi isipin ang pagkakatulad ni Ella sa kanya. Kaso iba si Ella. Kulot at maypagka-kulay blonde ang buhok nya. Samantalang si Ella, straight at black na black ang buhok. Pero kasi, magka-mukhang magkamukha talaga sila.

Cause I'm always staring at my girl before. Pareho sila ni Ella ng mata. Kumikinang yon lalo na pag ngumingiti sya, napaka-ganda. Pareho din sila ng ilong, sakto lang ang tangos. Ganun din ang mga labi nila na natural na ang pagkapula. At higit sa lahat ang mga nakaka-akit nilang mga ngiti. Yung tipong kahit ang lungkot mo gagaan na lang bigla yung loob mo makita mo lang syang ngumiti.

Pareho sila at hindi ko maiwasang isipin na baka ang taong matagal ko ng hinahanap at si Ella ay---

"Ella, the side of your lips..." Napatingin ako kay Jaydee sunod kay Ella. May bakas ng pagkain sa gilid ng labi nya.

Palihim akong napangiti. Napakatakaw nya at walang pake sa paligid kung kumain.

Mukha syang bata. Cute.

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon