Fangirl Noticed 20

281 47 14
                                    


Mickaella Vegara


"Teka. San na ba kasi tayo pupunta? Di ka ba napapagod? Eh parang pare-pareho lang yung dina-daanan natin oh. Baka naman kasi naliligaw na tayo?" Tuloy tuloy na tanong ko ulit kay Jaydee.

And yah! I'm with Jaydee. Pagkalabas ko ng gate kanina nandun sya sa labas inaantay daw ako. Na-badtrip pa nga kasi ang tagal ko daw. Bwiset sya!

Pagka-baba ng sasakyan, puro puno na ang nakikita ko tas idagdag mo pa nang napapaligiran kami ng madilim na paligid. Tsk! Baka naman kasi naliligaw na kami tas ayaw lang netong sabihin ni Jaydee sakin para di ko sya sisihin.

Kung ganon? Huwaaah! Baka ma-stock kami dito. Tas tirahan pala to ng mga zombies?! Waaah! Edi kakainin nila yung mga lamang loob ko?! Gosh yak! Ganon kasi yung mga nababasa at napapanood ko ih. Malay mo totoo!

Pero hindi naman siguro. Edi sana kanina pa natataranta tong si Jaydee. E hindi naman. Pachill-chill nga lang sya ih.

Hayst, san ba kasi kami pupunta?!

Hindi sya sumagot sa tanong ko. Tuloy lang sya sa paglalakad.

Hay! Buhay! Oo! Sige! Wala akong kausap!

Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdaman ako.

T-Teka. P-Parang may kung ano sa paa ko?!

"Huwaaah! Palaka!" Sigaw ko tsaka ako nagtatatakbo. "Ahh!" Napa-pikit ako dahil sa pagkaka-alam kong babagsak ako.

Teka. Teka. Babagsak ako sa damuhaaan! M-May bato pa! Huwaaah!

"Are you alright?" Huwaaah! Bat ang tigas? Pero di masakit. Napa-kapa ako sa paligid dahil sa takot kong makita at maramdaman ulit yung palaka. Kadiri pa naman, ang dulas. Pero... Ehh? Bakit ang tigas naman?  "Hey? Are you alright?"

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Jaydee. Sinalo nya ko? Waaah!

Agad ko syang yinakap. 

"Huwaaah! Nakita mo yon?! Shit! May palaka sa paa ko Jaydee." Napa-pikit ako habang yakap ko sya.

Ang bilis ng heartbeat ko! Gusto kong umiyak dahil sa takot ko sa bwiset na palaka na yun. Hindi naman talaga sila nakakatakot, nakakadiri lang. Madulas-dulas ih. Sabihan nyo ng maarte ako pero... Wala akong pake! Kadiri talaga! "Shh wala na. Okay na." Mahinahong sambit ni Jaydee.

Napalayo ako sa kanya ng konti pero naka-pulupot pa rin yung braso ko sa balikat nya.

Napatingin ako sa kanya, ganon din sya sakin. Nakakunot ang mga noo nya. I don't know why but, mukha syang concern at talagang nag-aalala. Pero totoo nga ba?

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Ano ba to?

Napalunok sya. Bumangon na naman sya nang mapansin nyang nagkakatitigan na kami. "Tara na."

Napa-yuko ako. Naiilang din ba sya gaya ko? Hayst. Akmang tatayo na rin sana ako gaya ng ginawa nya nang biglang napatumba ako. Kasabay ng pagpikit ko sa kirot na naramdaman ko sa paa ko. Hayst! Ang lampa ko kasi. Yan tuloy!

"Why?" Napansin kong nakahinto na rin pala si Jaydee at nakatingin sya sakin ng direkta. Sunod ay tumingin sya sa mga paa ko.

"A-Ah mauna ka na. Susunod na lang ako. Masakit yung paa ko pero mawawala din to agad---Teka! Anong ginagawa mo?!" Natatarantang tanong ko sa kanya.

Bigla ba naman kasi syang lumapit sakin tas tumalikod sya tsaka nya tinap yung shoulder nya. Na-gets ko naman yung ibig nyang sabihin, kaya nga nagulat ako ihh.

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon