Mickaella VegaraIlang buwan pa ang dumaan at halos mag sya-syam na buwan na rin simula nang bumalik ako dito sa plipinas. Sa isang buwan na dumaan ay maraming nangyare ngunit hindi non mahihigitan ang nangyare sa mag sumunod pang buwan.
Patuloy akong nanirahan sa bahay ng PIB. Patuloy rin ang pag aaral ko.
Taga luto, taga hugas, taga laba. Bagay na lagi kong ikinaiinis noon pero ngayon ay naging normal na lang sakin. Nag e-enjoy ako. Tsaka more on, order naman kami pag tinatamad talaga ako, lagi ko namang pinapa laundry yung mga damit nila. Aba! Syempre naniningil ako ng pang laundry no.
May isang buwan din akong nag stay dito mag isa, buwan ng September yon. Paano ay nagkaroon sila ng world tour. Gusto ko mang sumama ay hindi kaya, lalo na't may klase ako. Hindi naman ako masyadong nahirapan lalo na't laging nandito ang mga kaibigan ko. Madalas pa nga na nag na-night out kami nang hindi alam nila Jaydee. Well, dahil sa bahay nila ako nakatira, napagkasunduan na lagi dapat akong magpapaalam sa kanila kung may lakad man ako. Mayayare ako kila kuya pag di ako nagpaalam. Pero dahil alam ko namang hindi rin sila papayag, para saan pa kung magpapaalam ako?
Dumaan ang desyembre. Naging busy ang boys dahil sa sunod-sunod na concert na regalo nila sa mga fans nila para sa pasko pero ayos lang dahil sama-sama naman kaming nag celebrate nung mismong araw ng pasko. Silang lima lang ang kasama ko nung pasko dahil nasa kanya-kanyang pamilya ang mga kaibigan ko.
Nung new year naman ay nakila Cassy ako kasama si Rusty at ang pamilya nya. Wala rin sa bahay ang Paint it Black dahil may pa count down event sila na pinanood lang namin nila Cassy sa tv at sinabayan.
Naka video call ko ang pamilya ko sa parehong okasyon na yon.
Dumaan din ang mga kaarawan nila pati ng mga kaibigan ko na pare-pareho naming sinelebreyt. Nang mag March, well, ngayong month lang ay kaarawan ni Jaydee. Imbes na kasama namin sya ay nag celebrate sya kasama ang mga fans nya na okay lang naman, naiintindihan namin. Kinabukasan naman non ay tsaka kami naghanda at nagsaya. Nung nag birthday ako noong July, mag dadalawang buwan palang ako dito pero sobrang ka close ko na sila kaya kahit papano ay naging masaya naman. Kahit kami-kami lang ay nagawa pa din naming magsaya. At nag enjoy talaga ako non. Masaya.
Not until this month...
Jaydee's month... March.
Well, tapos na yung birthday nya. Nung 8 pa.
Akala ko magiging payapa ang lahat ng pangyayare, although, never namang naging payapa yung buhay ko simula nang makasama ko sila pero... Pero kahit konting-konting katahimikan lang sana... Kaso salungat ata ang tadahana sakin.
"Hindi ko na talaga magagawan ng paraan to. Kalat na kalat na yung balita na kayo na ni DJ, Ella."
Napasapo ako sa mukha ko.
Ano nang gagawin ko? Bakit ba kasi lumabas yang balitang yan at kumalat pa sa maraming tao?! Ang tagal-tagal na nung lumabas kami sa mall na magkasama ni Jaydee, ha?!
"Wag kayong magpa-apekto lalo na kung di naman totoo." Seryosong sambit ni Jaydee sabay akyat sa taas.
Palibhasa sanay na sya sa isyu ih!
Netong mga nag daang buwan ay kung sino-sinong babae ang nali-link sa kanya. Hindi naman nililinaw sa media netong loko.
Narinig ko naman ang mahinang pagmura ni Reinz sabay akyat nya sa taas. Hayst. Siguro tatambay na naman yon sa rooftop.
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanfictionThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed