Fangirl Noticed 42

208 33 12
                                    

I'm not!

Mickaella Vergara

"Oh bat ang tagal nyo?" Bakas ang pagka-irita sa mukha ni Kuya pagkalabas namin ng kwarto ni Jazer.

Nakabusangot akong sumalampak sa tabi ni Ate.

"Ayan! Tanong nyo jan sa bossy na yan!" Sigaw ko sa kanila habang nakaturo ang hintuturo ko kay Jazer.

Nagkibit balikat lang naman si Jazer sabay upo nya sa tabi ni Kuya.

Inirapan ko sya sabay kuha ko ng isang boteng alak.

"Bitaw!" Sigaw ni Jazer.

Tinignan ko naman sya ng masama.

Maka-sigaw tong kumag na to!

"Ayaw!" Sigaw ko pabalik.

"Isa." Kalmadong sabi ni Kuya kaya napalunok naman ako.

Sabi sa inyo, takot ako kay Kuya ih.

Agad kong binitawan yung alak staka ko kinuha yung chocolate na nasa tabi nito.

"Ayan na, happy?" Tanong ko sa kanila.

Bwiset tong mga to, antanda ko na kaya! Nasa legal age na ko para sa mga ganyang bagay no!

"Okay lang yan lil sis. I feel you." Sabi naman ni Ate.

Natawa naman ako, hindi lang pala ako ang pinagbabawalan nilang uminom, even my sister too.

"Anyways, musta shooting? Tuloy kayo bukas sa Germany?"

Napatingin ako kay Ate tsaka ako napatingin kay Kuya.

"Gusto nyong bumisita kila Mama?" Masayang tanong ko sa kanila.

Napakunot noo naman sila.

"Nalipat kasi yung next set namin sa Philippines." Jazer said.

Tumatango akong nakangiti.

"Oh my God! Really?! I'm in! Sasama ako!" Masayang sabi ni Ate.

Never pa kasi nilang nakikita sila Mama sa personal, sa loob ng 6 years puro video call lang kami.

"I'm busy." Maikling sabi ni Kuya.

Napa-pout naman ako.

"Kuya naman! Minsan lang ih! Dali na! Pleaseee~" Panlalambing ko.

"Tsk fine." Maikling sagot nya sabay lagok ng alcohol.

"Yeeey!" Sabay naming sabi ni Ate.

Napahinto ako ng biglang mag-vibrate ang phone ko.

Jamila calling...

"Sagutin ko lang to." Maikling sabi ko sabay tayo tsaka ako pumunta sa kusina.

"Hoy babae! Buhay ka pa?! Walang paramdam ngayong araw ha!"

Napangiti naman ako ng marinig ko ang boses ni Jamila.

Tanda ko pa non nung pagpipigil nyang umiyak sa airport noon kasi aalis na ko, samantalang sila Zhy, Cassy at Mae halos humagulgol na kakaiyak.

Grabe, miss ko na talaga sila.

"Sorry okay? Kakauwi ko lang kasi galing sa shooting."

Narinig ko na naman ang pagbuntong hininga nya.

"Wala pa sila Zhy dito, mamaya pupunta sila dito para mag-overnight. Bukas naman ng hapon pupunta kaming lahat sa restaurant ng Mama ni Cassy. Kasama namin yung boys."

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon