Mickaella Vergara
"Ella, naka usap ko na yung mga kaibigan ko sa pilipinas. Sila yung mga makakasama mo sa bahay. Parang awa mo na, magpaka-tino ka dun ha?" Paalala sakin ni kuya Vince.
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Seryoso? Kapatid ba talaga kita? You're not even concerned with me. That's your friends, so meaning to say they're men. Pano kung anong gawin nung mga yun sakin ha?" Iritang sambit ko kay kuya. "Siraulo ka pa naman, edi malamang mga siraulo din yung mga yon." Bulong ko pa.
Grabe! Babae ako tas makakasama ko sa isang bahay, yung mga kaibigan nyang lalaki? How pathetic is he?
Napahawak ako sa noo ko ng pitikin nya ito. "Aray! Ano ba!?"
"Wag ka ngang OA. Ang assuming mo rin eh noh? Mataas kaya ang standard nila. Swerte mo nga at makakasama mo sila ih. Baka pag nakita mo yung mga yon ay mag thank you ka pa sakin. Tsaka wag ka ngang mag-alala, may tiwala din sila mama sa kanila."
Sinamaan ko ulit sya ng tingin.
"Ewan ko sayo. You know what kuya? If ever something bad happens to me, you are the one to blame." Sabay labas ko.
"Ella? Why? What's wrong?" Daddy asked.
Lumapit ako kay Dad at yinakap sya. I'm trying very hard para lang magpa-cute kay Dad. Sana effective!
"Hmm... Dad, can I stay here na lang? Please?"
"Ella anak, hindi pwede. Dun mo na ituloy yung pag aaral mo sa pilipinas. Okay?" Biglang dating naman ni Mama.
"Ma. Sige na po oh. Mamaya mga bad guys pala yung mga friends ni kuya don. Pano na ko? Hindi ba kayo nag-aalala sakin?''
Lumapit naman sakin si Mama at hinawakan ang kamay ko.
"Ella, mga mababait yung mga batang yon. Hindi ka naman namin ipagkakatiwala sa di namin kilala. Habang wala kami don sila muna ang bahala sayo ha?"
"Yah! Tsaka after kong ayusin yung some prob' dito susunod ako sayo don. If ever naman na magkaroon ng time sila Mama at Dad makakasunod din sila." Paalala naman sakin ni kuya.
The truth is, I just don't want to go back to the Philippines because I'm more than happy and willing to spend my days and nights with my family. But of course, may mga nami-miss na rin naman ako dun. Sila Jamila, Zhyra even sila Cassandra at Rusty. Lahat ng mga friends ko dun, sila Tito at Tita, mga pinsan ko dun. And I promised myself that I will come back for them. Ang Paint It Black at sya. Si Jaydee.
Years past but I hope naaalala nya pa ako.
Napahawak ako sa kwintas na suot ko.
MJ.
Lumapit ako sa direksyon ni Mama. Tinanggal ko ang kwintas ko sa leeg ko at sinuot ko ito kay Mama.
"Kwintas mo to ha?" Pagtataka ni Mama.
Wala akong binanggit na kahit ano kila mama about sa nangyare sakin bago ako umalis ng pilipinas pero alam nila na mahalaga sakin ang kwintas na'to. Hindi ko nga alam kung bakit tila naging importante na to sakin.
"Ma, this is one of the most important things I have galing sa importanteng tao. Sabihin nating ipapahiram ko to sa inyo bilang promise necklace nyo sakin. Promise me that you will come back to the Philippines asap then you'll give this back to me. Hihintayin ko kayo don ha." Sabay nguso ko.
"Enough for this dramatic scene, okay? Male-late kana sa flight mo. Come on, everything's ready." Inirapan ko lang si kuya.
Humarap naman ako kay Daddy.
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanfictionThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed