Fangirl Noticed 7

309 76 17
                                    


Mikaella Vergara

Patay!

Sobrang late na ko!

Anong gagawin ko?

Nagbihis pa kasi ako. Naka-uniform kasi ako kanina di ba? Tas gumawa pa ko ng banner tas nagluto pa ko ng maraming pagkain sa bahay para pag-uwi namin mag se-celebrate kami.

Kaso, hindi ko nabantayan yung oras at sobrang late na ko!

Pagkababa ko ng taxi, patakbo akong pumunta sa entrance ng venue habang dala ko yung ginawa kong banner.

May nag-aasist sa entrance tas may mga muscular guards pa!

Wow bigtime talaga ha.

"Ticket ma'am." Sabi nung nag-aasist. Binigay ko naman sa kanya yung ticket ko. "Nako ma'am VIP po pala kayo. Kaso mukhang patapos na po yung concert nila."

Halos manlaki yung mga mata ko sa narinig ko.

Concert?!

The Heck! Akala ko ba gig lang?!

"A-Ate baka po nagkakamali lang kayo. Kasi po di ba gig lang to? I mean pano---"

"Ma'am concert po to ng Paint It Black at VIP pa po kayo. Sayang naman. Sige po pasok na po kayo."

Ngumiti muna ako sa nag-aasist bago ako pumasok. Habang naglalakad ako naririnig ko na ang sigawan at tilian nila.

Pagkapasok ko halos lumuha ang mga mata ko sa nakita ko.

WOW!

Mukhang isang malaking arena!

Tapos sobrang dami nilang fans!

Napalunok ako tsaka ako dumiretso sa paglalakad.

Grabe yung mga tilian nila.

Nang makadating na ko sa unahan nakita ko na ang bakanteng upuan para sa sakin. Hindi na siguro ako napansin ng mga fans nila. Umupo muna ako sa upuan ko tsaka ko hinawakan yung banner ko.

Tumayo ulit ako atsaka ko binalandra yung banner na ginawa ko at one! Two! Three! Go! "Waaah! I love you Paint It Black! I love you! Woooh! Pakiss naman po! Waaah!" Sigaw ko.

Oh di ba todo support ako.

Wala naman sigurong makakarinig sakin ih. Ang iingay kasi nila di ba?

That's what I thought.

B-Bakit biglang tumahimik?

Napakurap-kurap ako.

Napatingin ako sa paligid ko.

Wah! Lahat ng fans nila... Sakin nakatingin!

The fudge!

Napatingin ako sa stage.

T-Teka bakit ganon sila makatingin sakin?!

Don't tell me aalis na dapat sila?!

P-Pero ngayon nakatingin silang lahat sakin habang may mga malalawak na ngiti.

Wah! Narinig ba nila?!

"Ate kanina pa tapos yung concert. Tas kung kelan paalis na sila staka ka sisigaw dyan." Natatawang sabi ng isa sa mga fans nila.

Napatangin ako sa malaking screen sa stage. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakapatay na yon.

Kasi nakakahiya naman di ba? Kung bubungad sa malaking screen na yan yung pagmu-mukha ko.

•••

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon