Mickaella Vegara
Nakokonsensya ako.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa katabi ko nang mag salita sya.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba sya? Sabi nya mahal nya si Micka. Pero ako si Micka. Kung mahal nya si Micka bakit di nya maramdaman yon sakin? Bakit di nya ko nakikilala?! Geez! Ano ba tong nararamdaman ko?!
Pero di ba kasalanan ko naman to lahat?
Di ba?
"Ah oo." Halos pabulong kong sambit sa kanya.
"Yung kanina---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.
"Wag na nating pag-usapan yon. Wala yon. Naiintindihan kita." Sambit ko tsaka ko sya pilit na nginitian. "Ihinto mo na lang dyan Jaydee. May pupuntahan pa kasi ako ih."
"May pupuntahan ka? Gabi na, Ella... In case na hindi ka aware." May halong inis nyang sambit.
I hate him.
Ayoko ng ganito sya sakin.
Bakit ba lagi nyang pinaparamdam sakin na nag-aalala sya?!
Lumunok ako at pilit na ngumiti.
"Ah, oo. Importante kasi. Di pwedeng ipagpabukas. Need ko na asap."
Huminga sya ng malalim at pasimpleng napahilot sa sintido.
"Ganun ba? Anong oras ka uuwi para masundo kita." Seryosong sambit nya habang hindi inaalis ang malamig na tingin sakin.
"Hindi na. Uuwi din ako agad."
"Okay." Tipid na sagot nya. Tumango ako at aalis na sana nang muli syang magsalita. Napalingon ako sa pwesto nya at hinintay ang susunod nyang sasabihin. "Wait, can I ask you something?"
Ano na naman kaya yon?
Kinakabahan akong napalunok.
"W-What's your whole name?" Napahinto ako sa tanong nya. Sunod-sunod ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Para akong nahuli sa kasalanang hindi ko naman nagawa. Kinakabahan ako.
Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya... Hindi ba?
W-Wala naman siguro akong pagsisisihan, di ba?
"Mickaella Vergara." Diretsong sambit ko. Nakita ko sa reaksyon nya ang pagka-gulat pero agad ding napalitan yon ng pilit na ngiti. "Why are you smiling?"
"May kapangalan ka kasi." Walang emosyon nyang sambit tsaka sya huminto sa pag-mamaneho.
"G-Ganun ba? Sige, baba na ko. Salamat."
"Ah Micka--Ella. Mag-iingat ka." Paalala nya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka na ko nag-simulang maglakad.
Nang makababa ay huminga muna ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Nang masigurong kahit papano ay ayos na ko ay agad akong naglakad patungo sa bus stop.
Nag antay ako ng bus na dadating tsaka ako sumakay.
Nag dire-diretso ako ng lakad papunta sa dulo.
Nang makaupo ay agad akong sumiksik sa dulo, napahilot ako sa ulo ko bago ako sumandal sa bintana.
Habang umaandar ang bus ay napatingin ako sa labas. Napangiti ako ng mapait nang makita ko ang tatlong babaeng magbabarkada na naka uniform at nagtatawanan habang naglalakad. And with that view, bigla na lang nag pop-up sakin sila Rusty and Cassy. Before... ganyang-ganyan din kami. Wala kaming pake sa paligid basta ma satisfied lang kami sa mga trip namin sa buhay. Sabay-sabay naming ginagawa ang mga interest ng bawat isa. Pag may isang trip mag cutting... Damay ang dalawa. Pag na bully si Cassy, nakikipagbasag ulo kami ni Rusty. Kapag may nagkakagusto kay Rusty, pinagtatabuyan namin ni Cassy, kapag tumatakas ako ng bahay, sa kanila lang din naman ang tungo ko. I love them... We love each other. Alam ko, ramdam ko.
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanfictionThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed