Mikaella Vergara
"Ano nga bang ginagawa nyo at napadpad kayo dito? Nag-away ba kayo? Magkasintahan ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni ginang.
Napalunok ako.
Kami?!
Magkasintahan? Ha. Ha. Ha.
Never!
Agad akong napailing at paulit-ulit na iwinagayway ang kamay ko.
"A-Ah. Nagkakamali po kayo. Hindi po kami magkasintahan. Ahmm. A-Ano po---" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko hanggang sa nag-salita si Jaydee.
Alangan naman kasing ibalandra ko sa kanila ang katotohanang ang isang sobrang sikat na tao na nagngangalang Jaydee Avila ay hinatak ako papunta sa lugar na hindi nya rin alam, dahilan kaya kami naligaw. Yeah, napakagandang paliwanag.
Buti naman at may balak syang tumulong. Kaka-hirap mag-explain ihh.
"She's my secretary." Sagot nya kaya agad nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa kanya.
Napakunot noo ako. Utang na loob, wag kang gagawa ng kalokohan.
Nakangisi lang sya sakin kaya tinignan ko sya sa mga mata. Makuha ka sa tingin.
"Ha? Sekretarya mo sya?" Tanong nung ginoo.
Ngumiti naman ako ng pilit at agad na tumango.
"Yes po. CEO po ako ng isang prestigious company and she's my secretary." Paliwanag ng katabi ko.
Napa 'Ahh' naman sila senyales na naniniwala sila. Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papano.
"Eh ano namang ginagawa nyo sa lugar na gaya nito?" Tanong naman ni ginang.
Lumunok ako at napatingin kay Jaydee. Come on, kaya mo ng sagutin yan.
"We were supposed to meet with an investor but unfortunately, my car broke down and we ended up in this forest to look for something that could help us. That's when we found you." Mahabang paliwanag nya habang nakapaskil ang napakaseryoso nyang mukha.
Wow. Just wow.
He's really good in acting. The reason why he became an actor.
Impromptu yun! Angas!
"Ahh. Pero maganda kayong tignan bilang makasintahan. Wala ba kayong mga kasintahan?" Tanong nung ginoo.
Lumunok ako at napakurap-kurap.
Now it's my turn.
Pina normal ko ang tawa ko bago nagsalita.
"Ahmm. Meron na po akong fiancée. Actually, po ikakasal na ko next month. Atsaka po, hindi po kami talo nito ni sir. Kaibigan nya po yung fiancée ko at botong-boto po talaga itong si sir saming dalawa." Masayang sambit ko. Hello, may past kaya ako sa pag-arte. Nakatanggap pa nga kami ng highest grade non ih.
Napatingin ako sa katabi ko.
Oo nga no? Kaming dalawa din pala ang magkapareha noon. Biruin mo nga naman, magagamit din pala namin ang mga training namin noon.
Umiling ako at muling nag focus. Lahat sila natahimik. Even si Jaydee.
Hmm? Bilib sya sa acting skill ko no?
Lumunok ako. Mukhang mali ang buong akala ko, nakaramdam kasi ako ng bigat ng atmosphere sa gilid ko.
"Sino sa kanila?" Napatingin ako sa katabi ko. Kumurap-kurap ako.
BINABASA MO ANG
Fangirl Noticed
FanficThis is my dream, every fangirl's dream. -Fangirl Noticed 1- Finished: 08:16:20 Written by: TrimmaJin Status: Completed