Epilogue

317 37 19
                                    

Nagising ako dahil sa isang hampas na natamo ko.

Putspa!

Minulat ko ang paningin ko.

"Oh? Buti naman gising ka na! Kala ko wala ka ng balak gumising ih! Ano na?! Sasama ka pa ba?!" Napatingin ako sa isang bultong nasa harapan ko.

S-sino to?

"Sino ka--- Aray! Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya matapos nya kong batuhin ng unan.

"Siraulo ka ba?! Natulog ka lang! Kala mo naman dumaan ka sa napakatagal na coma! Tigilan mo nga ako. Tumayo ka na jan at mag asikaso ka na! Iiwan talaga kita!" Tinitigan ko sya ng maigi.

Bumilis ang paghinga ko ng makilala ko sya.

T-Trisha? My childhood bestfriend.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Para akong nanigas sa kamang inuupuan ko ng makita kong puno ng posters and pictures ang nakapaskil sa ding-ding at meron pang mga frame sa desk na katabi ko. Puro mukha nya, mukha ni Jaydee. Mga mukha ng Paint it Black.

May ilan-ilan ding litrato nung bata pa ko.

Eto...

Eto... Ang totoong kwarto ko. Malaki, pero hindi kasing laki ng kwarto ko na mula sa panaginip ko.

So...

So...

Totoo nga, nananaginip lang ako.

Panaginip lang lahat...

Mula sa pagkikita namin sa school para sa acting class, hanggang sa nalaman kong na coma ako at namatay na silang lahat.

Flashback

"Micka! Oh my God! Tanggap tayo bilang volunteer!" Napatingin ako kay Trisha nang magsalita sya, nakatingin sya sa phone nya.

Agad nanlaki ang mga mata ko.

Oh my God! Tanggap kami! Huwah! Tanggap kami!

Matutupad ko na ang pangarap ko bilang isang fangirl!

Sino ba namang hindi?

Hello. Ang makita ang sariling idol naming mga fangirls and fanboys ang tanging pangarap namin. Pag nangyare yon, pwede na talaga akong matulog ng one whole year.

Nag register kasi kaming dalawa bilang isang volunteer para sa dadating na concert ng Paint it Black dito sa pilipinas.

Ghaaad! Napaka-swerte naman namin!

Kaylangan kong mag-ayos nang maigi!

"Oh sya! Maaga tayo bukas ha? Matulog ka nang maaga para di tayo ma late! Shete! Wala pa pero kinikilig na agad ako! This is our chance Micka!"

Hindi ko sya pinansin atsaka ako nagtalukbong at nagpapapadyak.

Hindi pa rin nagpa-process sa utak ko lahat!

Ibig sabihin ba nito makakalapit na ko sa kanila?! Ganon ba?!

Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.

End of Flashback

At dahil sa na excite ako, hanggang sa panaginip ko dinala ko sila.

Pero bakit ganon?! Parang totoong totoo?

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon