Fangirl Noticed 37

180 29 12
                                    

Concert

Mickaella Vergara

Hinga Micka, sabi mo kaya mo di ba?

Edi kayanin mo.

Agad akong dumiretso sa bahay.

Jaydee's house.

Tingin ko naman walang tao jan ngayon dahil busy silang lahat sa career nila tas sila mama naman busy sa business nila.

Pagkababa ko sa sasakyan para akong hinang-hina.

Hirap akong humakbang at bawat hakbang ko piling ko ikababagsak ng luha ko.

Pinilit kong pumasok ng bahay pero pagtungtong ko pa lang sa bungad ng pinto ay natumba na ako.

Di ko na napigilan at napahagulgol na ko.

Tuluyan na kong sumalampak sa sahig habang humahagulgol.

"Damn this! FUCK! ANG SAKIT SAKIT! SOBRANG SAKIT! ANG SAKIT! AYOKO NA! PAGOD NA KO! PAGOD NA KONG NGUMITI SA HARAP NG LAHAT! NAKAKAPAGOD NG MAGPANGGAP! Bakit ba kaylangan kong magpanggap?! Bat ako nasasaktan?!" Nasasaktan na ko, sobrang sakit.

"Sino bang nakakakilala sakin?! Wala! Ultimo magulang ko hindi alam na nahihirapan na ko! Ayoko na! Bakit?! Napagod na ba sya?! Sya lang ba?! Pano ako?! Ang sakit! Kung ayaw nya bakit kaylangan nya pang patagalin?! Para mas masakit?!" Parang pinipiga yung puso ko ng paulit-ulit.

"Simpleng I love you, simpleng update sakin ng mga ganap sa buhay nya di nya magawa?! Bakit?! Dahil sa Carol na yon?! Bwiset, mag-sama sila! Pagod na ko! Hindi lang ikaw yung nahihirapan! Ni minsan ba tinanong mo ko kung kaya ko pa?! Kung pagod na ko?! Kasi... Kasi pagod na ko. Pagod na pagod na." Sukong-suko na ko emotionally. Durog na durog na ko.

"I don't deserve you. I don't deserve this kind of treatment. I don't deserve this kind of relationship. I... I don't deserve this pain... But still... I'll stay. K-kasi hindi ko kaya, mahina ako, hindi ko kayang mawala ka. Mababaliw ako. Ganon kita kamahal."

***•••***

Agad akong bumangon sa higaan at ramdam ko pa ang pamamaga ng mata ko.

Nanghihina ako.

Hindi mawala sa isipan ko yung nangyare kahapon. Hindi na nga ako nakapagpalit ng damit ih.

Napatingin ako sa study table ko sa tabi ko.

Nagri-ring yung phone ko...

'Bat nandito tong phone ko? Di ba pinapatapon ko na to?'

Inabot ko na to at hindi na tinignan pa yung caller.

"Mickaella Vergara speaking." Tamad na sabi ko.

"Mickaella! Mabuti naman at gising ka na! Nakalimutan mo bang may concert kayo ngayon sa cebu kasama yung ibang band?! Bwiset naman Micka! Bilisan mo at pumunta ka na dito ng maasikaso ka at makapag-practice kayo! 1:00 yung flight natin dalian mo!"

Bwiset! Kahit kelan boses talaga ng manager namin ang pinaka masakit sa tenga!

"Oo na! Bwiset ka! Untog kita sa muscles ko ih!" Sigaw ko sa kanya kahit alam kong patay na yung tawag.

Hayssst!

Tinignan ko kung may missed calls ako, meron pero hindi naman galing sa inaasahan kong tao.

Tinignan ko yung messages pero wala din.

Bumuntong hininga ako bago magtipa ng message kay Jaydee.

Fangirl NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon