BTHOL [11]

645 45 4
                                    

"Kiss, Ate! Kiss! Kiss! Kiss!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata.

Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin kay Kuya Sean na ngayon ay hindi na rin alam kung paano patigilin ang mga bata.

Napahawak na lamang ako sa noo ko at wala sa sariling naglakad palapit kila Lei at Nova na kasalukuyang nanonood sa amin.

"Pareho na nga kayo ng suot tapos may papunas pa ng pawis sa mukha. Ano pa bang ide-deny mo, Janniza Avril?" umiiling na sabi ni Lei. Nagkibit-balikat naman si Nova sa akin.

The kids were teasing the both of us everytime they see us together, kahit na nag-uusap lang. Nakikisali pa ang mga kaibigan ko kaya naman mas lalo lang akong nahihiya dahil sa kanila.

"Just don't mind my friends po. They just love teasing me," I whispered to Kuya Sean.

"I don't mind," he replied, giving me a smile.

When the picture taking came, pinagtabi pa nila kaming dalawa sa gitna. They even asked us to make a heart pose kaya naman natatawa kaming pareho ni Kuya Sean na ginawa iyon.

"Kayong dalawa lang! Picture kayo!" sabi ni Brix habang hawak iyong camera ni Kuya Sean. Mabilis naman na tumayo si Kuya Sean at lumapit sa pwesto ko.

"Closer! Para namang hindi kayo sabay kumain ng lunch!" untag ni Brix kaya naman inirapan ko siya.

"Can I?" tanong ni Kuya Sean sa akin.

I unconsciously nodded on him hanggang sa maramdaman ko nalang ang kamay niya sa bewang ko.

"Perfect!"

Brix took a lot of pictures bago niya pinagdiskitahan sila Zayd at Lei na parehong hindi natutuwa sa ginagawa niya. Nova joined Brix in making fun of them kaya naman wala nang nagawa ang dalawa kung hindi sumunod nalang.

"Thank you so much for today, mga anak. May the Lord continue to bless you. Huwag lang sana kayong magsasawa sa pagbisita sa mga bata taon-taon," Sister Olalia told us. "Sobrang nagpapasalamat ako, lalong-lalo na sa'yo, Janniza."

"It was such a great experience po and we will surely do this every year na po. Thank you so much for letting us do this kind of event inside your orphanage," I replied.

Medyo nagtagal ang kwentuhan namin kaya naman madilim na nang tuluyan kaming makaalis sa orphanage.

"Thank you so much for today! I really appreciate the effort," nakangiting sabi ko nang makarating kami sa bahay.

"Mauuna na ako, ha? Ako na rin maghahatid kay Nova," paalam ni Brix.

"Una na rin ako, hinahanap na kasi ako ni Nanay," baling sa akin ni Nova.

"Bye pips!" Zayd waved his hand before lazily going inside his car.

"Tsk. Napakangit na nga ng mukha, napakasama pa ng ugali," rinig kong bulong ni Lei bago muling humarap sa akin. "Bye, lovebirds! Mauuna na rin ako!" sabi nito bago natatawa na sumakay sa kotse.

Nang mawala na ang mga sasakyan nila sa patingin ko ay doon lamang ako humarap kay Kuya Sean. Nakasandal siya sa kotse niya na para bang naghihintay lang na lingunin ko siya.

"Thank you so much for the help po. Lalabhan ko lang po 'yong panyo bago ko ibabalik sa'yo," I told him.

Tumayo siya mula sa pagkakasandal bago naglakad palapit sa akin.

"Make sure to take a rest. Masakit ba ang ulo mo?" he asked me.

"I just feel dizzy lang po," I answered.

"I noticed that earlier. Drink your medicine before going to bed."

"I will po," nakangiting sabi ko.

"I'll get going then," he said. "Good night, Av."

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon