"Ah! Oo nga! Gago talaga mga 'to, may gagawin pa pala tayo mamaya. Sige tol, mauuna na kami!" biglang sabi nung lalaki bago nakipagtulakan sa mga kaibigan para maunang umalis.
"Bakit 'yon?" takang tanong nila Lei at Nova.
"Magpapa-picture raw," I whispered to them.
"Sila Vince 'yon, ah?" kunot-noong tanong ni Lei habang sinusundan ng tingin iyong paalis na mga lalaki. "Papansin talaga mga 'yon."
Napatingin ako sa bagong dating na si Kuya Kai na may hawak-hawak na pop corn. Nang makita niya ako ay ngumiti kaagad ito at kumaway bago umupo sa tabi ni Kuya Sean.
"Bakit nakasimangot ka diyan?" narinig kong tanong niya.
Umiling lamang si Kuya Sean bago mabigat ang mga kamay na kumuha ng popcorn at kinain. Palihim akong natawa dahil sa ginawa niya kaya naman nag-iwas na lamang ako ng tingin.
"Nice one, Tim!" Lei cheered.
Pinasa kaagad ni Tim kay Zayd iyong bola at shinoot niya for three points kaya naman nagka-score na naman ang team namin.
"Ang galing mo, Tim!"
Pansin kong panay ang baling ni Zayd sa pwesto namin sa tuwing magshoshoot siya ng bola tapos sisimangot kapag sinisigaw ni Lei ang pangalan ni Tim.
"Nice one, Tim!" malakas na tili ulit ni Lei.
Narinig kong tumawa si Brix bago tinapik sa balikat si Zayd na ngayon ay masama na ang mukhang nakatingin kay Lei.
"Ako 'yong nakaka-score pero ibang pangalan 'yong sinisigaw mo!" sigaw ni Zayd kaya naman natigilan ito.
Umani iyon ng asaran habang may mga ilang napatingin sa gawi namin kaya naman natahimik si Lei. Malakas na humalakhak si Nova dahil doon lalo na nang hindi na muling umimik si Lei.
"Bakit ka tumahimik?" pang-aasar ko kay Lei.
Pumapalakpak na lang kasi siya tapos kapag tumitingin si Zayd sa pwesto namin ay yumuyuko ito.
"Ang tanga talaga niya! Ang dami na ngang sumisigaw sa pangalan niya tapos gusto niya pang dumagdag ako!" inis na sabi niya habang hindi makatingin sa amin.
Bumaling ako sa katabi ko na kanina pa tahimik na nanonood kaya naman bahagya akong lumapit sa kanya para bumulong.
"Why are you so quiet po?"
Lumingon siya sa akin at nanlaki kaagad ang mga mata ko sa sobrang lapit ng mukha namin. Ni hindi ko man lang naisip ang distansiya namin bago ako lumapit at bumulong sa kanya!
"Hmm?"
I gulped bago lumayo ng kaunti. Pasimple akong napahawak sa dibdib ko bago mahinang bumuntong-hininga.
"H-hindi ka po kasi nagsasalita," sabi ko bago nag-iwas ng tingin.
"Nice one!" sigaw ni Kuya Kai habang mahinang hinahampas sa balikat si Kuya Sean kaya naman saglit na nawala ang atensyon niya sa akin.
"Your team is winning," sabi niya sa akin bago tinuro ang score board.
Hanggang sa matapos ang game ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko. That was an inch away!
Naglalakad na kami palabas ng gym nang biglang sumulpot sa harapan namin si Kuya Kai. Nawala kasi siya bigla right after the match.
"Pahiram muna si Sean, ha?" paalam nito habang malaki ang ngiti sa labi.
"What?" masungit na tanong ni Kuya Sean sa pinsan.
May binulong ito sa kanya na mas nakapagpakunot ng noo niya.

BINABASA MO ANG
Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)
RomanceWill the burden of the past keep Avril and Sean apart forever, or will they be able to overcome the obstacles put up by their families? A tale of resiliency, forgiveness, and the eternal power of love. It challenged them to face the intricacies of...