BTHOL [43]

437 30 0
                                    

"Nagkabalikan na nga kayo?"

Alas sais palang ng umaga nang dumating si Lei rito at hanggang ngayon ay panay pa rin ang tanong niya na ilang beses ko na ring sinagot.

"Balak mo bang itanong sa akin 'yan buong araw?" nauubos na ang pasensyang tanong ko.

"Hindi naman." Umiling siya. "Wala. Hindi na kita magagawang maid of honor niyan kasi kailangan partner kayo ni Kuya Sean," she pouted.

"Pwede mo pa rin naman akong gawing maid of honor. Ano naman kung hindi kami partner?"

"Mas maganda kung partner kayo!" she exclaimed.

Tumayo siya para lumapit at umupo sa harapan ko. Tahimik niyang inabot ang dalawang kamay ko bago mahigpit na hinawakan.

"Are you happy?" tanong niya bigla.

"Of course, Lei. I am beyond happy."

"Is this really what you want? Are you sure you can manage it na?"

"Lei." Huminga ako ng malalim. "I know you're worried about me pero alam mo namang when it comes to Sean, wala kang dapat ikabahala dahil hindi siya gagawa ng bagay na makakasama sa akin, 'di ba?"

"I know," she whispered. "I'm just happy na nakikita ko na ulit 'yong saya sa mga mata mo."

Lei became emotional again kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang yakapin siya at makinig sa mga sinasabi niya. Sinundo rin siya ng fiance niya nang mag-lunchtime kaya naman naiwan ulit akong mag-isa sa bahay.

Nasa Laguna ngayon si Sean dahil may client siyang kailangan imeet. Susunduin niya ako rito mamaya dahil mamayang gabi na namin balak pumunta sa bahay nila. Sobrang biglaan lang din ng plano dahil ang Lola ni Sean ang nagsabing gusto niya na raw akong makita.

After eating lunch, I decided to take a nap first. Nang mag-alas tres ng hapon ay doon na ako bumangon para maligo at makapaghanda na para sa dinner mamaya.

I only wore a simple beige dress. It's not necessary but I want to look presentable to Sean's family later. I also only applied light make up before fixing my hair.

I was busy fixing my hair when I received a message from Sean that he's already downstairs. Binilisan ko na ang ginagawa ko bago nag-spray ng pabango.

He was busy with his phone when I went downstairs kaya naman hindi niya kaagad napansin ang pagbaba ko.

"Hello!" I greeted him. Mabilis siyang ngumiti sa akin bago binaba ang cellphone. "How was your meeting?"

"It turned out well," he said before kissing the side of my head. "Pretty."

"Thank you," I giggled. "Sinong mga nasa bahay niyo?" tanong ko nang makasakay na kami pareho sa sasakyan niya.

"My parents, Kuya Logan and his wife tapos si Mamita," sagot niya. "I'm not yet sure about my cousins."

"Kasal na pala si Kuya Logan?" medyo gulat na tanong ko.

"Yeah. He just got married last year."

"Talaga? Sino pang mga kasal sa mga pinsan mo?"

Sumulyap siya saglit sa akin bago sumagot. "Just him and Kuya Jader."

"How about Kuya Bryle?"

I heard him chuckle. "What do you think?"

"Engaged?" Hindi siguradong tanong ko.

"No. He's busy playing hard to get." Umiiling na sagot niya. "Nililigawan siya ngayon ni Ate Ali."

"Really?"

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon