BTHOL [7]

752 52 7
                                    

"Okay na?" nakangiting tanong niya sa akin.

It took me almost half an hour to prepare bago ako tuluyang lumabas ng room.

"Yup. Matagal ka po bang naghintay?"

"Kakalabas ko lang din," he answered. "You look gorgeous."

Nag-iwas kaagad ako ng tingin pagkatapos niyang sabihin iyon. I really don't know how to accept compliments lalo na kapag sinasabi nila iyon habang deretsong nakatingin sa akin.

"Let's go?"

He lends me his arms so I can hold on to him because I am wearing heels.

When we entered the hall, I got conscious when I felt that everybody was stealing a glance at us. Para kaming celebrity na hindi nila inaasahang makikita.

Bahagyang bumagal ang lakad ko kaya naman taka akong tiningnan ni Kuya Sean.

"Don't mind them," he whispered to me. "Walk elegantly, ipakita mo kung sino ka," biro niya pa kaya naman sabay kaming mahinang tumawa.

"Sweetie!" malaki ang mga ngiti sa labi ni Mommy nang makalapit kami. Humalik ako sa pisngi nilang dalawa ni Daddy bago humarap sa parents ni Kuya Sean.

"Happy wedding anniversary po," nakangiting bati ko.

"Thank you, hija. You look so gorgeous tonight!" Tita Shane replied.

Saglit kaming nakipag-usap sa kanila bago nag-excuse si Kuya Sean. Akala ko siya lang ang aalis pero nagulat ako nang isama niya ako.

"You look uncomfortable. Dito na lang tayo, walang masyadong tao," he said before pulling the chair for me.

He volunteered to get us food kaya naman nakaupo lang ako sa table namin.

May ilan ding mga lumalapit sa table namin para kausapin si Kuya Sean including his cousins. Wala akong ibang ginawa kung hindi nahihiyang ngumiti sa kanila.

"Ice cream?"

Bumaling kaagad ako sa kanya. "Meron po ba?"

"There's a convenience store beside our hotel. Do you want to go?"

I immediately nodded on him kaya naman pagkatapos naming kumain at nagpaalam ay dumeretso na kaagad kami sa convenience store.

"I will pay po," I told him.

Inunahan ko siyang mag-abot ng pera sa cashier kaya narinig ko siyang mahinang tumawa. We casually talked hanggang sa maubos na namin pareho iyong ice cream na binili namin.

Maya-maya ay pumasok ulit siya sa loob. Pagkabalik niya, may dala na siyang tubig. Binuksan niya iyong bottled water bago inabot sa akin iyon na may kasama na ring tissue. Uminom lang ako ng kaunti at ibababa na sana nang magsalita siya.

"Drink more. Masyadong matamis 'yong kinain mong ice cream," he told me.

"Thank you, po. You should drink water din po."

Inalok ko kaagad sa kanya iyong tubig na binili niya sa akin pero agad na binawi nang matagal siyang tumingin sa tubig.

"Sorry. Are you laway conscious?" nahihiyang tanong ko.

"Are you?"

"Hindi naman po."

Tumango siya at tinanggap na iyong tubig at walang pasabi na uminom.

"I thought you don't like sharing bottles," he explained.

"I don't really mind po."

Sumilay ang ngiti sa labi niya pagkatapos kong sabihin iyon.

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon