"Ano na? Ang init, tangina," mahinang mura ko may Mikko.
Mukha kaming tanga rito sa arawan habang hinihintay si Mikko na gawin ang punishment niya.
I am with my two cousins, Axel and Kai. Sa tuwing wala talaga kaming magawa ay kung anu-ano na lang ang naiisip nilang gawin at napapasama na lang ako.
"Ikaw kaya? Tangina, may utang ka pang isang punishment sa akin. Ngayon ko na gagamitin 'yong card!" biglang sabi nito bago lumapit sa akin.
"Ano? Huwag ka ngang tumatangina, Mikko. Gawin mo na!" I told him.
"Hep! Dalawa nalang kayo!"Kai suggested. "Saktong dalawa naman 'tong dala namin." tumawa ito bago nakipag-apir kay Axel.
Napailing na lamang ako para tanggapin ang inabot nila bunny headband at shades. We have to wear it and approach some girl students para maki-picture sa kanila. Sa kagustuhang matapos na ay tinanggap ko na iyon.
I was busy looking for someone who I can take pictures with nang may makaagaw sa atensyon ko. She was holding bundles of papers. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya, dala na rin siguro ng init.
May payong naman siyang dala pero dahil sa dami ng bitbit niya ay hindi na niya iyon mahawakan.
"Sean, ano na? Tapos na ako!" rinig kong sigaw ni Mikko sa akin.
Muli akong napatingin sa pwesto kung nasaan ang mga pinsan ko at nakitang doon siya papunta.
Mabilis akong naglakad palapit sa kanila at hindi pa man siya nakakalapit ay bigla niyang nabitawan ang mga hawak niyang papel. Walang pagdadalawang-isip na lumapit ako para tulungan siya.
I can hear her saying thank you while still picking up the papers. I was stunned when our eyes met. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya naman mabilis kong tinanggal ang headband at shades na suot ko.
"Thank you po," she said in a polite voice.
I couldn't utter a word until she left. After that day, madalas ko na siyang makita. Sa cafeteria, sa kiosk, sa library. She was with her friends most of the time, kaibigan siya ng nakababatang kapatid ni Mikko.
"Itanong mo lang kung anong pangalan," pamimilit ko kay Mikko.
"Avril nga! Janniza Avril Ventura. Magka-edad sila ni Brix kaya mas matanda ka ng dalawang taon."
Doon ko rin na-realize na masyado siyang expose sa ibang tao. She's very popular in their batch. From her beauty and brains. She's all over the campus because of her tarpaulins. She's the face of the high schooldepartment.
"Bakit hindi mo kasi lapitan? Masyado ka namang sumasabay sa uso na loving someone from afar," umiiling na sabi ni Mikko.
"Sa dami ng umaaligid, sa tingin mo makakasingit ako diyan?" umiiling na tanong ko.
"Ulol, pwede 'yan. Sa tangkad mong 'yan."
As years passed, I found myself drawn to Avril. Ni hindi ko man lang namalayan na ilang taon ko na siyang patagong tinitingnan. It might sound crazy but I really pray to God to have an interaction with her one day.
---
Author's Note:
Biglaan lang ito kaya very short lang. Gusto ko lang din kasing isingit. Happy new year, everyone! Sana maging blessed ang 2024 niyo!
BINABASA MO ANG
Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)
RomanceWill the burden of the past keep Avril and Sean apart forever, or will they be able to overcome the obstacles put up by their families? A tale of resiliency, forgiveness, and the eternal power of love. It challenged them to face the intricacies of...