BTHOL [10]

687 48 11
                                    

I woke up early the next day to help Manang in preparing breakfast. My friends told me last night na maaga raw silang pupunta kaya naman I suggested na dito na lang sila kumain ng breakfast. Except for Kuya Sean because he still have things to do pa.

"My friends and Kuya Sean are coming over po to help me in packing the things na ipapamigay sa mga bata," paalam ko kila Mommy nang maabutan ko sila sa baba na naghahanda nang umalis.

"We'll go home late tonight since we're attending a business party," Mom also informed me. "Make sure to clean the mess after packing."

I just waited for them to leave bago muling bumalik sa kusina kung nasaan si Manang na kasalukuyan na ring nagluluto.

"Good morning, manang!" I greeted her.

"Good morning, 'nak. Anong oras darating ang mga kaibigan mo?"

"On the way na po sila," I answered. "May maitutulong po ba ako?"

"Wala na. Maupo ka nalang diyan at lulutuin ko nalang ang mga ito," sagot niya kaya naman pinanood ko na lang siyang magluto.

They arrived at the exact time. We just had our breakfast before proceeding on packing the materials.

We've organized and packed all of the school supplies, clothes, toys, hygiene kits, and many more.

Our target is 500 dahil noong huling nagtanong ako kay Sister doon sa orphanage ay sinabi niyang nasa around 487 ang mga bata na nandoon.

"Zayd!" suway ni Lei sa kaibigan. Kanina pa kasi siya inaasar nito at mukhang kanina pa rin pikon na pikon si Lei.

"Itataya ko talaga buhay ko kapag hindi sila ang nagkatuluyan," bulong ni Brix sa akin kaya naman naghagikgikan kami.

I was about to lift the box para ilipat sa kabilang side when someone grabbed it first. I immediately inhaled Kuya Sean's scent.

"Saan ilalagay?" tanong niya.

I stepped forward dahil kung lilingon ako sa kanya ay siguradong magkaka-untugan kami.

"Sa side po," I told him.

He effortlessly put it in the side before checking everything.

"Si Kuya?" tanong ni Brix.

"May gig sila," sagot ni Kuya Sean bago bumaling sa akin. "Dumaan na ako sa orphanage kanina. I already talked to someone there to confirm that we will continue the charity event tomorrow," he said.

"Thank you. Hindi ko na po kasi maasikaso, ang dami pa po nito."

"No problem."

Lumapit siya kay Nova para tulungan ito sa paglalagay ng mga gamot sa small bag for the medicine kit kaya naman nagpatuloy na lang din ako sa ginagawa ko.

We managed to finish packing everything before 6 pm kaya naman I asked Manang to cook for our early dinner na lang since kaninang 4 pm pa kami nag-snack.

While waiting for our food, nagkayayaan silang mag-movie marathon muna saglit kaya naman nagtungo ako sa kusina para kumuha ng mga chips and drinks para may kainin kami habang nanonood.

Maingat kong nilapag ang mga pagkain sa center table bago umupo sa tabi ni Kuya Sean dahil doon nalang ang vacant seat.

They were watching a horror movie kaya naman wala rin akong choice kung hindi makinood na lang. Kinuha ko iyong throw pillow na nasa tabi ko para may maipangtakip ako sa mata ko kung sakali mang may jumpscare na lalabas.

"Nanghahampas pa man din si Av kapag nagugulat," pasaring na sabi ni Brix habang nakangisi.

"Hindi kaya," mabilis na tanggi ko.

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon