BTHOL [5]

889 60 7
                                    

"Janniza Avril!" malakas na sigaw sa akin ni Leizie. Taka ko siyang tiningnan.

Today marks our official first day of school kaya naman maaga akong pumasok para hindi ma-late. Ayaw din kasi ni Mommy na nagkaka-record ako ng mga ganoon.

"Hindi ba ay si Kuya Mikko naman ang crush mo?" tanong niya.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"May rumor na kumakalat. May nakakita raw sa inyo sa convenience store!" dagdag niya.

"What do you mean? Kaming dalawa ni Kuya Mikko?" takang tanong ko habang nakaturo pa sa sarili.

Umiling siya. "With Kuya Sean!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Sino naman ang magkakalat ng rumor dahil lang nakita kaming magkasama sa convenience store?

"Bakit kayo magkasama ng love of my life ko?!" nanlulumong tanong niya sa akin.

"Leizie..." suway ni Nova. "Umagang-umaga ang lakas-lakas ng boses mo."

"Love of my life. Corny amputa. Umagang-umaga 'yan ang naririnig ko," nakasimangot na sabi ni Zayd bago muling dumukdok sa mesa. Hindi ko napansin na nandito na pala siya.

Mas lalo siyang sumimangot bago sumalampak sa armchair niya at hindi man lang pinansin ang sinabi nila Zayd at Nova. Imbes na sumagot ay umupo na lamang ako sa tabi niya dahil pumasok na rin iyong Prof namin.

"Good morning, everyone! Welcome to the start of your second year in the BS Tourism Management program and it's so nice to see familiar faces, huh?" Professor Martin told us.

Professor Martin introduced the course syllabus and outlined the objectives and expectations for the upcoming semester.

"Today, we'll discuss the exciting courses you'll be taking this semester, including Tourism Marketing, Sustainable Tourism, and International Tourism Trends. Our goal is to prepare you for the dynamic and evolving tourism industry."

Mabilis kong nilabas ang notes ko para makapag-take down ng mga sasabihin niya. Tahimik akong nakikinig habang sinusulat ang mga important details.

"Remember, your journey in this program is about more than just academics. It's about growing as individuals, understanding different cultures, and making a positive impact on the world through responsible tourism practices," Prof Martin continued.

Dalawang oras ang itinagal ng klase namin bago niya kami tuluyang dinismiss. Dumeretso kaagad kami sa cafeteria dahil kanina pa nagrereklamo sila Brix at Zayd na nagugutom na raw sila.

Kaming tatlo ang naghanap ng table habang sila Brix at Zayd naman ang pumila para bumili ng pagkain namin. Leizie is obviously sulking right now. Panay pa ang buntong-hininga niya kaya hindi ko na rin siya natiis.

"That happened noong birthday celebration ni Daddy. Bumili lang kami ng ice cream," I said which made her looked at me.

"Ice cream? Nung celebration ng Daddy mo? Hindi ko naman siya nakita ron, ah?"

"Late silang dumating," I answered.

"Kumain ka na nga. Gutom lang 'yan," inis na sabi ni Zayd bago siya inabutan ng rice meal na binili niya. "Baka naman gusto mo rin ng ice cream galing convenience store? Willing naman akong bilhan ka."

"Shut up!" pikon na sabi ni Lei.

Panay pa rin ang pagsimangot niya at sinisi pa si Zayd dahil siya raw ang nag-ayang umuwi ng maaga noong sabado kaya hindi niya na naabutan si Kuya Sean.

After having our lunch, pumasok na rin kami kaagad sa next class namin. Ilang beses na binanggit ni Leizie ang tungkol sa rumor na iyon pero hindi ko nalang siya pinapansin para tumahimik na rin.

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon