BTHOL [37]

446 32 0
                                    

"Saan lakad mo?" tanong sa akin ni Zayd nang makita niyang nagmamadali na akong umalis. We just finished eating breakfast.

"Susunduin ko si Tyler sa airport," I answered.

"Tyler?" kunot-noong tanong ni Lei. "He's here? Dito sa Pilipinas?"

"Bakit mukhang gulat na gulat ka naman?" baling kaagad ni Zayd. "Excited makita? Ikaw ang kaibigan, mahal?"

"Nagseselos na naman si tanga," umiiling na sabi ni Brix.

"Mauuna na ako. Let's just see each other this evening sa bahay. Doon na kayo mag-dinner," nakangiting sabi ko bago tuluyang umalis.

Tyler gave me a heads up and the other details of his flight yesterday that's why I assumed na baka nasa airport na siya ngayon. 

I need to arrive there first before him dahil wala pa man din siyang sim card at paniguradong kapag nainip iyon ay kung saan-saan na naman mag-iikot.

I just wore my glasses dahil masyadong mainit sa labas. I parked my car before proceeding to the waiting area. Panay ang tingin ko sa cellphone at sa relo habang naghihintay. I was monitoring his flight. Halos thirty minutes pa siguro akong naghintay hanggang sa makita ko na siya.

Napairap ako nang makitang todo-outfit pa siya na akala mo artista. Since he was so tall, I immediately knew it was him, especially from the way he walked.

I only waved once and he saw me right away, so I crossed my arms and waited for him to come to where I am standing.

"Aren't you going to welcome me with your wide arms open?" may himig pagtatampo ang boses na sabi niya.

I removed my sunglasses before raising an eyebrow at him. He laughed a little before giving me a hug.

"I missed you," he whispered.

"I missed you, Mr. Feeling celebrity," I joked.

"Hey," sumimangot kaagad siya. "I just want to look presentable, you know? Do I look like a celebrity to you now?"

"As if."

Inirapan ko siya at tinalikuran na kaya naman narinig ko siyang tumawa. Hanggang sa makarating kami sa kotse at masakay ang mga gamit niya ay panay pa rin ang pagtawa niya.

"Tatawa ka nalang ba? Iiwan na kita rito," pagsusungit ko.

He went to me before pinching my cheeks, like he always does.

"I'll drive," he said.

Napairap ako muli bago binigay sa kanya ang susi ng kotse bago walang pasabi na sumakay na sa shotgun seat.

"You car is really nice. I like it."

"Of course." Mayabang akong ngumiti. "Let's drop by the grocery store muna. I invited my friends to eat dinner later in the house. You'll cook, ha?"

His brows furrowed. "Are you trying to make me your chef for my whole stay here?"

"What do you think?"

We did drop by the nearest grocery store. Siya na rin ang hinayaan kong bumili dahil siya naman ang magluluto. I was casually teasing him when someone suddenly called his name.

"Tyler?"

Sabay kaming natigilan bago nagkatinginan.

"Hey, it's actually you!"

Nag-beso silang dalawa kaya naman nanatili akong tahimik.

"And you're with... someone pala," pinasadahan niya ako saglit ng tingin.

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon