BTHOL [39]

408 32 0
                                    

Some of the people cheered.. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. 

He's talking about me and Sean, right? Wala naman akong ibang naging boyfriend bukod sa kanya.

"Not anymore," mahinang sagot ko.

Disappointment flashed on their faces after I answered. May mga nagbulungan at nagtanong kung bakit, kung kailan, at kung paano.

"Kalma!" Tumawa si Chris, iyong host namin ngayong gabi. "Ibahin natin ang tanong. Dahil break na kayo, let me ask you about your status! Are you single, taken, engaged, or married?"

Awkward akong tumawa. "I'm single."

"May pag-asa pa! Uso comeback!" malakas na sigaw ng isang lalaking hindi ko kilala. Umani iyon ng malakas na tawanan.

"Sorry kay Sean pero huwag na! Give chance to others!"

"Gago!" malakas na sigaw ni Kuya Kai mula sa gilid ng stage.

"Hoy, Arturo! Swerte mo wala si Sean dito!" tumatawa ring sigaw ni Kuya Axel.

"Gago, ayan na siya!"

Sabay-sabay kaming napatingin entrance ng gym. Nakapamulsang naglalakad si Sean. Seryoso lamang ang mukha niya habang naglalakad palapit sa pwesto ng mga pinsan.

"Fuck you, Turo! Aabangan ka niyan sa gate!" pananakot ng ibang mga lalaki bago malakas na nagtatawanan.

"Okay, kalma ulit! Last question na dahil mukhang hindi na komportable si Avril sa harapan, kayo talaga," aniya bago muling bumaling sa akin. "Avril, if you could give your younger self one piece of advice, what would it be?"

Ngumiti ako bago muling tinanggap ang mic. One last question and then I'm going back to our table.

"I would tell my younger self not to worry too much about fitting in or conforming to expectations. Embrace your uniqueness, take risks, and believe in your dreams. It's the quirks and passions that make life truly fulfilling."

"Anything that you can share to everyone about life, love, studies, career, or anything?"

Malalim akong bumuntong-hininga at saglit na nag-isip. Tumahimik ang lahat habang naghihintay din sa sasabihin ko.

"Life taught me that letting go was still a form of love. Don't be afraid to set each other free and fly to different directions even if we're no longer part of their wings. Let rain fall down to your sunshine to see the rainbow that awaits you. Be grateful because once upon a time, you've experienced being loved and to be part of someone's life."

Halo-halo ang naging reaksyon nila pagkatapos kong sabihin iyon. Napatingin ako sa gawi ni Sean at nakita ang blangkong ekspresyon niya. He quickly looked away when our eyes met.

"Wait lang, huling-huli na talaga!" pahabol niya kaya naman muli akong humarap sa kanya. "Pasensya na pero kanina ko pa naririnig sa mga kalalakihan at kahit noong college pa man ay naririnig ko na talaga ito."

"It's okay," nakangiting sabi ko. 

"Ano nga ba ang hanap ng isang Janniza Avril Ventura sa isang lalaki? Are you looking for a great man?"

"Actually, no." Mabilis akong umiling. "I'm not looking for a great man. I am looking for a man who will cherish me. Someone who will treasure me."

Palihim akong napangiti dahil sa naging sagot ko. Because as far as I remember, Sean is the only man who can do that.

"Last question, may come back pa ba?!"

"May manliligaw ba?!"

Hindi ko na pinansin ang mga tanong ng iba lalo na at hinayaan na akong bumaba ni Chris. Ngumiti na lamang bago nagmadaling bumalik sa table namin.

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon