Bumusina siya ng tatlong beses bago tuluyang umalis kaya naman pumasok na rin ako sa loob. I was still expecting Mom to be in the living room kaya lang ay nakita kong paakyat na siya sa kwarto niya.
Nilapitan kaagad ako ni Manang. "Maghapunan ka na, 'nak. Nagluto ako ng sinigang na baboy."
My face lightened up a bit. "Talaga po?"
"Oo. Halika na."
Si Manang ang naghanda ng pagkain ko, maging ang juice na iinumin kaya naman naparami ang kain ko. Sinigang na baboy by Manang is my ultimate favorite dish.
"Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya bigla sa akin.
"Okay lang naman po."
"Hindi ka ba nahihirapan?"
"Hindi naman po masyado."
"Kamusta naman iyong crush mo? Iyong kapatid ni Brix?" pang-uusisa niya.
Mabilis kong nilunok ang pagkain ko. "Hindi ko na po crush si Kuya Mikko, Manang. Matagal na rin po."
"Talaga? Kung ganoon ay si Sean na?"
Tuluyan na akong nabulunan dahil sa sunod na naging tanong niya.
"Paano niyo po nakilala si Kuya Sean?"
"Nako, paanong hindi? Sa lahat ng bisita rito nung birthday ng Daddy mo, maliban sa mga kaibigan mo ay siya lamang ang bumati sa akin ng magandang gabi."
"Talaga po?"
Tumango si Manang sa akin. Sinamahan niya ako sa dining at nakipag-kwentuhan dahil alam niyang hindi ako nakakakain ng maayos kapag ako lang ang mag-isa.
"Wala naman tayong poproblemahing activities ngayong weekend 'no?" pangkukumpirma ni Lei.
"Wala," sagot ko.
"Let's hang out, please!" yaya niya kaagad. "Labas tayo, malapit na ang prelims natin. For removal of stress lang."
"Makita ko lang mukha mo, stress na ako. Anong sinasabi mong pampawala ng stress diyan?" kunot-noong tanong ni Zayd.
"Tangina mo tol, akala ko ba masakit ang ulo mo?" baling ni Brix sa kanya.
"Deserve! Sana humiwalay 'yang ulo mo sa leeg mo!" pinandilatan siya ng mga mata ni Lei bago humarap sa aming dalawa ni Nova.
"Hang out na tayo, please? Kahit tayong tatlo nalang, huwag na natin silang isama!"
"Sama!" sabay na sabi nilang dalawa.
We ended our day planning on what should we do tomorrow kaya naman kinagabihan pagka-uwi ko ay nagpaalam na kaagad ako kila Daddy.
"Pwede po ba akong sumama kila Lei bukas? Lalabas lang po sana kami," paalam ko.
"Instead of going out with your friends, why don't you spend your time reading on your expected topics next week? Your prelims is approaching," sagot ni Mommy.
"At least give her time to go out with her friends. She needs a break sometimes, too," humalukipkip si Daddy bago saglit na tumingin sa akin.
"Studying is such a better hobby," Mom argued.
Malungkot na ngumiti si Daddy sa akin. I sighed and just bit my lower lip. Mukhang hindi nanaman ako papayagan. Hindi ko rin naman sila pwedeng pilitin dahil ayokong mapagalitan.
Pagkatapos kong mag-shower ay kinuha ko na kaagad iyong cellphone ko para mag-message sa group chat namin. In the end, si Mommy pa rin ang nasunod dahil hindi naman na siya muling sinagot ni Daddy kanina.
BINABASA MO ANG
Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)
RomanceWill the burden of the past keep Avril and Sean apart forever, or will they be able to overcome the obstacles put up by their families? A tale of resiliency, forgiveness, and the eternal power of love. It challenged them to face the intricacies of...