BTHOL [2]

1.4K 73 20
                                    

"I'm going, Mom," paalam ko sa kanila habang kumakain sila ng almusal.

"Where are you going? It's Saturday."

"May meeting po kami for the upcoming freshmen week. Uuwi rin po ako kaagad pagkatapos," sagot ko.

Inaantok akong nagmaneho patungo sa bahay nila Brix. Halos sabay kaming dumating ni Zayd kaya naman siya kaagad ang nakapansin sa itsura ko.

"Halatang puyat, ah. Late natapos ang party? Dapat nagsabi ka para binago na lang yung call time," sabi niya sa akin habang naglalakad kami papasok.

"Okay lang," tipid na sagot ko.

Pagkarating namin sa living room ay nilabas ko na kaagad ang laptop ko para makapagsimula na kami sa meeting.

"How was the party last night?" they asked me habang hinahanda ko ang laptop.

I sighed. "As usual... maintaining the illusion of the perfect family throughout the party," tamad na sagot ko.

"Huy, grabe ka! Natututo ka na talaga sa akin na huwag lagyan ng filter ang bibig," tuwang-tuwang sabi ni Leizie dahilan kung bakit siya kaagad ginawaran ng masamang tingin ni Nova.

"Yeah, right," pagsang-ayon ko na lang bago tuluyang humarap sa kanila.

We gathered around the table and continued discussing our plans for the freshmen week. We only have a week to prepare dahil sa monday na ang start ng classes at kasabay no'n ang paghe-held ng freshmen week.

"Let's create flyers, social media event pages, and emails to ensure all freshmen are informed about the activities," sabi ni Leizie.

"Would you like to lead that?" tanong ko.

"Okay lang naman. I'll coordinate with everyone to gather all the necessary information for the promotional materials," she giggled.

"How about the supplies and decorations? Sinong in charge?" I asked again.

"Dalawa na kami ni Brix," sagot ni Zayd kaya tumango na ako.

Nagpatuloy ako sa pag-eencode habang sila ay nag-uusap kung may nakalimutan pa ba o wala na.

"Don't forget about feedback forms. Let's create a simple feedback system so we can gather suggestions and ideas from the freshmen after each event," sabi ni Nova habang abala sa kanyang cellphone.

"Okay," sabi ko bago muling kinuha ang atensyon nila. "We already finalized everything. Here is the activity plan. As for the themed party, we'll be having the retro theme. Also, let's set up a contact list with emergency numbers and key contacts in case of any unforeseen situations during the events."

The next following days ay nasa University na kami para ihanda ang mga gagamitin at para na rin ma-monitor iyong mga booths and other activities na gagawin namin.

"I'm looking forward for this year's freshmen week," sabi ni Mr. Agoncillo sa amin, iyong student coordinator ng RU.

He was the one who was assigned to take this part. May mga Council of Leaders naman na pwedeng gumawa nito but he personally chose us to lead this event that's why can't afford to disappoint him.

Naging tradition na kasi sa RU ang magkaroon ng successful freshmen week. It is their way to welcome the students and make them feel that they chose the right University.

When Wednesday came, we decided to meet at the cafeteria for a short meeting.

"Zayd, how's the campus tour and welcome lunch coming along?" I asked him.

"The campus tour is all set. Nagawan na namin ng map 'yong route and we also prepared some fun trivia questions para hindi sila ma-boring. The cafeteria is also ready for the welcome lunch."

Beyond the Horizon of Love (Ryker Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon