33

1.5K 12 0
                                    

Mika's Pov

Pauwi na kami ng Manila galing bulacan. Nagtext ako kay Kim na pauwi na kami at nag sabi naman siya na mag lunch daw kami. Namiss daw niya kasi Myhca.

Malapit na din kami sa mall ng magsalita ang anak ko.

Myhca: Mommy si Tita Kim po ba ang kikitain natin?

Ako: Yes baby. Why? (Lingon ko sakanya)

Myhca: Wala naman po. Miss ko lang siya. (Sabay ngiti)

Ako: Miss mo na talaga si Tita Kim mo ano nak?

Myhca: Opo My. Hehehe.

Ako: Where heeeeereeeeee.

Excited ang anak ko na makita ulit ang Tita Kim niya. Halos kasi di mabitawan ni Kim si Myhca. Parang akala mo eh siya ang ina. Hahaha.

Papunta na kami sa restaurant kung saan magkikita kami nila Kim. Wala pa din siyang sinasabihan na kahit sino. Ayaw ko pa din naman na ipagsabi.

Hindi ko alam kasi kung ano magiging reaction nila. Oo napapangunahan ako ng takot lalo pa at wala akong maipapakilala na tatay ni Myhca. Myhca is the only one that I treasure for the rest of my life. Wala na akong ibang hihilingin pa. Maaring kulang dahil na din sa nararamdaman ko para kay Vic pero sapat na siguro na mahal ko ang anak ko. Sapat na yun.

Nang marating namin ang restaurant agad kong hinanap si Kim. Napalingon ako nung tinawag niya ang pangalan ko.

Kim: Miiiiiiikkkkkkaaaaaaa.

Agad kaming pinuntahan ni Kim at kinarga si Myhca. Nakakatuwa. Para silang mag tatay. Hahaha. Hoy. Wala akong something dyan kay Kim ah. Malapit lang talaga siya sa bata.

Ako: Kanina ka pa ba Kim? Matraffic kasi eh.

Kim: Di naman. Halos kararating ko lang din. Dumaan pa kasi ako sa bar mo.

Ako: Pasensya kana ah. Kung ikaw ang pinag mamanage ko ah. Di naman pwede si Bang at Ara dahil na din sa kasal nila.

Kim: Ano ka ba? Ok lang. Di naman ako nagrereklamo eh. Tara. Dun yung table natin.

Sumunod ako kay Kim at nakita kong maraming mga paper bag. Ibat ibang paper bag.

Ako: Yung totoo Kim saan galing yang mga yan? At para kanino? Nanggaling ka ba talaga ng bar ha?

Kim: (napakamot ng ulo) Hehehe. Sorry na. Kasi makukulit sina kambal at Carol eh.

Ako: Anooooo?? Alam na nila? Baka sabihin nila yun kay Vic.

Kim: Nadulas kasi ako minsang nagkita kita kami. Mabuti na nga lang at wala nun si Ara.

Flashback

Ara: Punta muna ako ng counter ah. May kukunin lang.

Nang magpaalam si Ara agad naman kaming nagkwentuhan at nag asaran.

Camille: Bal ang cute nung bagong anak ni Ditse ano. May dimple.

Cienne: Oo nga. Mana kay kuya Rey. Hahaha.

Carol: Kelan ba ang balik nila sa Pilipinas? Wala kayong pictures?

Camille: Eto yung pictures niya oh. (Sabay pakita ng phone at pinakita ang picture ng bata)

Carol: Halaaaa. Ang cute nga grabe. Ganda pa.

Ako: Patingin nga ako (sabay kuha ng phone) Ang cute nga. Parang kasing cute ng anak ni Mika.

Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon