Mika's Pov
Carol: Hindi Kim. Si Yeye ang pinag uusapan dito. Si Yeye na matagal na ding mahal si Vic since college.
Napalingon ako kay Carol na ngayon nakatigig sakin.
Carol: Tama ako diba. Tama ako na since college mahal mo na si Vic. Pero mas pinili mong itago ang nararamdaman mo para sakanya dahil may Bang na siya.
Hindi ako nakasagot dun. Tama siya. Since college pa naman mahal ko na si Vic. Pero ano magagawa ko diba. Lahat ng nakasanayan ko binabalik balikan ko dahil narin hinahanap hanap ko si Vic.
Kim: Carol sinabi ng tama na eh. Ano ba.
Nakita kong napatayo si Kim at napatayo na din si Carol. Tumayo na din ako para awatin sila.
Ako: Tama na yan. Marinig kayo ng anak ko. Baka magising at makita kayong nag aaway. Tama ka Carol pero pinigilan ko. Nilabanan ko. Sorry pero di talaga nangyari yun.
Carol: Ye???!!!
Niyakap ako ni Carol. Nagsimula na kasi akong umiyak. Ano magagawa ko? Nilabanan ko naman talaga ah. Nagfocus ako sa anak ko. Pero ano magagawa ko? Sa halos limang taon kong nakasama si Vic nung college kami. Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko para sakanya.
Kahit lumipas na ang taon. Ang maraming taon. Ang pagdating ng ama ng anak ko. Ang pagdating ng anak ko. Si Vic pa din.
Hanggang sa nakabalik ako ng bansa. Si Vic pa din ang una kong pinuntahan. Kahit isa pa ako sa mga tumulong para mag kaayos sila ni Bang.
Yung moment na nakita ko sila kung paano sila magkayakapan. Maglambingan. Masakit yun para sa akin. Pero ano magagawa ko? May Bang na siya.
Kahit gaano ko kagusto magmoveon. Di ko magawa. Di ko nagawa. Kasi mahirap. Kasi di ko kaya. Yung moment na kasama ko siya. Halos parang wala kaming pakialam sa ibang tao. Sa mga nakapaligid samin.
Kim: Ye?!!!
Napabitaw ako kay Carol sa pagkayakap. Pinunasan ang mga luha ko na kanina pa tumutulo. Na kanina pa naguunahan para bumaba.
Cienne: Tama na Mika.
Ako: Sorry guys. Sorry.
Camille: Naiintindihan ka namin. Nandito lang kami para sayo. Para sa anak mo.
Ako: Salamat guys. Sobrang salamat.
Kim: Paano? Uuwi na kami. Pag nagising si Myhca paki sabi nakauwi na kami ah.
Ako: Salamat talaga guys. Group hug please.
Cienne: Hahaha. Ikaw pa talaga ang humiling na mag group hug tayo ah. Hahaha.
Agad nila ako niyakap na apat. Nakakatuwa. Ewan. Basta. Thankful ako. Nandito sila. Na hindi nila ako iniwan.
Nagpaalam na sila at umalis na din. Kaya niligpit ko na ang mga kalat dito sa condo. Ang dami palang dumi.
Ang dumi pagnandito sila. Hahaha. Hinugasan ko na din ang mga nagamit na plato kung ano ano pa.
Ngayong natapos na ko. Nandito ako ngayon sa verenda. Ang ganda talaga kapag nakita mo ang streetlight. Kahit lamang ang mga building dito.
Maalala ko si Kim pa din pala ang nag aasikaso ng bar. Wala naman siyang sinasabi na gusto na niyang ibalik o ibigay ulit sakin ang bar. Hayaan ko muna sakanya yun.
Ara: Mukhang malalim na naman yang iniisip mo ah.
Nagulat ako ng may biglang nagsalita at niyakap ako.
Mika: Lagi na lang ba dapat pasulpot sulpot ka kung dumating? Wala man lang pasabi ha?
Ara: Alam ko naman na kapag nagsabi ako hindi ka makikipagkita sakin.
Ako: Buti alam mo.
Ara: Kaya eto. Pasulpot sulpot ako. I texted you all day. Even call. Bakit di mo sinasagot?
Ako: Sorry. Nandito kasi kanina sina Kim at ang Kambal pati si Carol.
Ara: Oh bakit di mo sinabi sakin? Sana nag get together man lang tayo. Tinawagan ko si Kim si Camille nga ang sumagot eh. Nagpasama daw ang Camille.
Ako: Ewan ko lang.
Ara: Ayaw ba nila na mapalapit ako sayo? Kay Myhca? Ayaw ba nila na maging ok tayo tulad ng dati? Bakit patago o palihim sila kung magpakita sayo?
Ako: Hindi ko alam sakanila.
Ara: Miks..
Humiwalay siya ng yakap sakin. Naupo sya isang upuan na kaharap lang din ng inuupuan ko. Nilingon ko siya. Masyado siyang seryoso ngayon. Iba ang aura niya ngayon. Ang lalim ng pagbuntong hininga niya. Saka siya nagsalita.
Ara: Ye. Kung ayaw nila ako mapalapit sayo sana sabihin nila sakin. Kung ayaw mong mapalapit ako sayo sabihin mo lang. Wala namang kaso yun sakin eh. Yung pag alis mo nga ng walang paalam walang kaso sakin kahit nasaktan ako eh. Ye ang ayaw ko lang na naglilihim o may tinatago sakin. Maaring nagsinungaling ako kay Bang last time. Maybe now hindi na siguro.
Ako: Hindi sa ayaw nila na mapalapit ka sakin Vic. At hindi ko din ayaw na mapalapit ka sakin Vic.
Ara: Ye mga kaibigan ko kayo. Sana man lang wag ganito ang gawin niyo sakin. Maaring hindi ako nagpakita sakanila. Pero hindi naman ibig sabihin nun tinaguan ko sila. May dahilan ako. Pero alam kong may dahilan din sila. Sabagay pareho kaming may mga dahilan. Ang gusto ko lang naman mapalapit sayo not in a way na mababalik ang feelings ko. Na magkakaron tayo ng something.
Ako: Vic ano ba. Hindi ganyan. Hindi ganyan ang ginagawa nila sayo. Mali yang iniisip mo sakanila. Samin.
Ara: Ye siguro nga mali ako. Mali nga ang iniisip ko sakanila. Pero Ye....
Ako: Hmmmm.
Ara: Sorry kung napapalapit ako sayo ulit. Sorry kung napafall ako sayo ulit. Kahit alam ko di na dapat. Ang gusto ko lang naman ay yung mabalik satin yung dati nating pagkakaibigan eh. Sorry sa tingin ko kasi nagugulo ko ang isip mo. Sorry.
Tiningnan ko siyang nakakunot ang noo ko. At lumapit siya sakin.
Ara: Dont worry Ye. This will be the last. Goodbye. (Kiss sa ulo)
Ako: Vic. Vic. Wait Vic.
Nakatayo akong tinatawag siya. Hindi niya ako nilingon. Agad siyang lumabas. At ako eto. Napaupo na lang. Yakap yakap ang sarili. Mali nga ba yung ginawa nila Kim?
Mali ba na maglihim sila para lang makita at mapuntahan ako? Mali nga ba talaga yun?
Sa nakikita ko wala namang mali. Wala naman kaming ginagawang mali kapag magkasama kami. Nung kasama ko siya.
-------
BINABASA MO ANG
Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )
FanfictionNaisipan ko lang po silang gawan. Comments and Violent reaction okay lang po. Thank You.