39

1.2K 8 0
                                    

Bang's Pov

Yakap lang niya ako simula ng mapunta kami dito sa tabing dagat. After kasi naming kumain nag aya siya dito.

Ara: Baby sorry ulit kagabi ah.

Ako: Nakapag explain ka naman na eh. Ok na po yun.

Ara: Hay. Ilang days na lang oh. Ikakasal na tayo. Ikaw at ako. Magiging Shiela Marie Pineda-Galang ka na. Hahaha.

Ako: Alam mo nararamdaman ko nga parang housewife for lifetime na ako kapag nakasal tayo eh. Hahaha.

Ara: Sempre. Ayaw kitang pagtrabahuhin sa bar ko o kumpanya. Gusto ko ako lang ang ttrabahuhin mo po. Hahaha.

Ako: Hoy. Sana hinire mo na lang ako no. Kung ganyan lang din naman pala ang magiging papel ko sayo. Pero baby pagkasal na tayo gusto ko naman na may mapaglibangan ako.

Ara: Baby diba sinabi ko naman na yun sayo. Ipipilit pa rin ba?

Ok wala na akong sinabi. Pag ganyan kasi si Vic maiinis na yan eh. Oi di siya marunong magalit pero marunong siya mainis. Mag kaiba naman yun diba. Kaya hinigpitan ko na lang ang yakap niya sakin.

Yung yakap na secured ako. Na alam kong ako lang. Na ako lang ang mahal niya. Para sakin ang yakap na mararamdaman ko to ng habang buhay.

Madadama ko simula umaga hanggang gabi. Bago matulog at pag gising. Yung gigising ako sa umaga na katabi siya. At matutulog sa gabi na kasama siya.

Paanong hindi mo siya makaklimutan? Dahil sa mga ganito niya. Halik siya ng halik sa balikat ko. Telling me that she love me more than I know.

"Nilalamig ka na ata. Pasok na tayo." Pagaaya niya sa akin. Tumango na lang ako at sabay kaming tumayo.

Habang naglalakad kami hawak hawak niya lang ang kamay ko. Nakita kong nagbuntong hininga siya.

"Lalim nun ah. May problema?" Tanong ko sakanya.

"Wala naman. Trabaho lang." Sagot niya sakin. Pero ramdam kong hindi sa trabaho yun.

Nang makarating kami sa kwarto agad akong nahiga. Nakita ko siya na kumuha ng towel.

"Ligo lang ako. Sabay tayo baby." At ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ayaw. Pagtapos mo saka ako maliligo." Sagot ko sakanya.

"Okay." Yun lang ang sagot niya. Okay lang? Di man lang niya ako pinilit. Hahaha. Di joke lang.

Ilang saglit lang tapos na siyang maligo at tumayo na ako.

Agad akong pumasok sa banyo para maligo.

Parang ang hirap isipin na may sakit siya tapos di mo man lang alam kung maooperahan siya may chance pa siyang mabuhay.

Kaya pala nung minsan nakita ko siyang uminom ng gamot sabi niya vitamins lang daw yun.

Di ko din kasi nabigyan ng pansin yung mga gamot niya. Kaya di ko alam na may sakit siya.

Nang matapos ako agad akong lumabas. Nakatapis lang ako. Nakita ko siyang nakahiga na. Napagod siguro siya pagddrive niya kanina papunta dito.

Nang makabihis ako agad akong tumabi sakanya. Napansin kong nakamulat ang isang mata niya at ngumiti siya.

Yang ngiti niyang yan. Nakakapag patunaw sa puso ko. Nakakapag pakabog ng dibdib ko.

"Tulog na tayo. Napagod ako sa byahe kanina eh." Sabi niya. At hinalikan niya ako sa labi.

"Goodnight baby." At hinalikan niya ako ulit sa labi.

"Night Vic." Nakayakap lang ako sakanya at ganun din siya sa akin. Nakaunan kasi ako sa braso niya.

Kinabukasan nagising ako sa mga labi na dumadampi sa mukha ko. Pagmulat ko nakita ko si Vic may dala siyang tray na nilagay niya muna sa side table at kinuha ang bulaklak.

"Goodmorning sleepyhead. Bangon na. Breakfast in bed. And flowers for you my dear." Sabay abot niya sakin ng bulaklak na nakangiti.

Bumangon ako at kinuha ang ang bulaklak. Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti.

Ikaw ba naman ngingitian ka ng ganyan sa umaga para ang hirap ng huminga. Hahaha.

"Hmmm. Mukhang malalim yan baby ah. Hahaha." Nakatulala pala ako at ngumiti na lang.

"Lets eat. We need to go back to Manila. May emergency meeting sa opisina." Sabi niya habang inaayos ang tray.

"Hmmm. Bakit anong nangyari?" Tanong ko sakanya habang susubuan niya ako ng pagkain.

"May mga investors kasi na balak mag back out. Si Dad tumawag sakin kanina." After niya yun sabihin sinubuan niya ako at sumubo na din siya.

"Hmmm. Sige. Balik tayo dito ah." Sabi ko habang nakanguso.

"Yes baby. Babalik tayo dito." Uminom naman siya ng kape niya.

Tinapos na namin ang pagkain namin at nag ayos na din para sa pagbalik ng Manila.

—————

Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon